6: Hallucination or Memory Hindi na nagsalita pa si Rin sa buong biyahe, gusto na niyang matapos ang pagtatakang ‘to sa kanyang sarili, isang oras din ang biyahe bago sila nakarating sa mismong hotel na sinasabi ni Than, napalunok siya at tinanaw ang labas ng hotel mula sa bintana. Nang makapag-park ang binata ay agad itong lumabas pero siya hindi pa sumusunod kaya kinatok siya ng binata sa bintanang sinisilip niya, hindi parin nawawala ang tensyon sa buong katawan niya, hindi basta-basta mawawala ‘yon lalo na’t sinasabeng suspek siya sa nangyari kahit na wala siyang maalala. Bumaba na lamang siya ng kotse, nang maisara niya ang pinto, agad siyang sumunod sa binata. Binati pa sila ng hotel security guard bago sila tuluyang nakapasok sa loob ng hotel, agad na sumalubong sa kanila ang maga