8: Hero at Dawn Madaling araw nang marinig ni Rin ang ingay mula sa labas, dahil doon ay agad siyang nag-alala at umalis sa kama niya. Lumabas siya ng silid at bumaba ng hagdan, nakita niya ang ina niyang umiiyak sa sofa habang may mga kasama itong pulis sa may sala, nakabukas pa ang pintuan ng bahay nila kong saan tanaw niya mula sa labas ang mga police mobile na nakaparada, agad siyang lumapit sa ina niya, hindi niya mawari na ramdam niya na may hindi magandang balita at umiiyak ang ina niya ng ga’nun-ga’nun lamang, hagulgol animoy nagluluksa. “Anong nangyayari?” tanong niya sa babaeng pulis habang katabi nito isang matangkad na pulis na lalaki. Seryoso ang mukha ng babaeng pulis na sumulyap sa kanya, pero hindi ito nagsasalita kaya lalong nadagdagan ang takot sa kanyang dibdib, tumabi