bc

Her Merciless Revenge

book_age16+
56
FOLLOW
1K
READ
dark
BE
mystery
small town
like
intro-logo
Blurb

ALIMA napuno ng poot at galit ang kanyang puso para sa mga taong naging bahagi ng kanyang masalimuot na karanasan. Hinulma siya ng panahon upang ang paghihiganti sa mga taong walang awang pumaslang sa kanyang mga magulang, maisakatuparan. She became merciless, and her heart turned to stone. Even killing has become a part of her daily life.Hanggang saan kaya dadalhin ng galit ang dalaga? Mapagtagumpayan niya kaya ang inaasam-asam na paghihiganti sa buong angkan ng mga Lagdamana? O siya ang malagay sa panganib mula sa mga kamay nila?

chap-preview
Free preview
WARNING! KARAHASAN
Isang ordinaryong gabi at masayang hapunan para sa pamilyang Santiago ang bubungad sa kanilang tahanan. At tila walang kahit anong badya ng panganib sa araw na ito. Masaya nilang pinagsasaluhan ang isang payak na hapunan na nakahain sa mesa na inihanda ng ginang. Maraming kwento si Alima sa kanyang mga magulang at tila ba ay hindi maubos-ubos. Kaya naman giliw na giliw ang kanyang mga magulang habang nakikinig sa kanya. Masayang tawanan ang maririnig sa buong kabahayan dahil sa pagkabibo niya. Siya talaga ang nagsisilbing kasiyahan at yaman ng kanyang Nanay Catherine at Tatay Francis. Dahil sa nag-iisa siyang anak ay binuhos sa kanya ang lahat ng pagmamahal at aruga ng kanyang mga magulang. Binusog siya ng mga ito ng mga bagay na hindi mabibili ng pera. Lumaki siyang mabait, magalang at makadiyos. Kaya naman kahit sino ay talaga talaga namang matutuwa sa kanya. "Alima, tama na muna ang laro. Ubusin mo muna ang pagkain mo," saway ni Catherine sa anak. Binitawan naman ni Alima ang kanyang manika at pinatong sa mesa. "Nanay, sabi ni Teacher, ano raw po ang gusto namin paglaki po namin?" "Anong sagot mo, anak?" nakangiting tanong ni Francis sa anak. "Gusto ko pong maging pulis, Tatay! Huhuliin ko po ang mga bad people!" bulalas niya pa. Sabay pang natawa ang mag-asawa sa naging sagot ni Alima sa kanila. Hindi nila inaasahan na ganito pala ang nais ng kanilang anak. "Tama 'yan, anak. Kaya dapat mag-aral kang mabuti para matupad mo yang gusto mo." Tumango-tango naman si Alima sa sinabi ng kanyang ama at muling binaling ang atensyon sa manika niyang si Lilibeth. "Francis, nabalitaan mo ba ang tungkol sa mga Lagdamana?" tanong ni Catherine sa asawa. Habang nagsasandok ng tinolang manok na paborito ng asawa. Bakas pa sa mukha niya ang pagkabahala at takot dahil sa mga kumakalat na bali-balita. "Oo, halos lahat ng kabaryo natin ay biglang ipinagbili ang mga lupain nila dahil sa takot. At ang nakakalungkot pa rito ay dinadaan nila sa dahas ang lahat, kaya napipilitan silang ibenta na lamang " sambit pa ng ama ni Alima. "Natatakot ako para sa kaligtasan natin, Francis. Kung umalis na lang kaya tayo dito sa San Sebastian? Natatakot lang ako para kay Alima," malungkot pa nitong saad. Napatigil si Francis sa pagsubo dahil sa sinabi ng kabiyak lalo na at alam nyang sila ang may pinakamalaking lupain dito. At hindi malabong hindi sila naman ang alukin ng mga Lagdamana. Kahit pa ilang ulit na nilang tinanggihan ito sa tauhan nila. Hindi niya basta-basta kayang ipagbili ang minana nyang lupain mula pa sa kanyang mga magulang. At isa pa ay dito sila kumukuha ng kanilang pinagkakakitaan. Huminga siya nang malalim. "Catherine, wag kang matakot gagabayan tayo ng Panginoon at hindi niya tayo pababayaan. Manalig lang tayo sa kanya." Ginagap pa nito ang kamay ng asawa. At saka ngumiti. Tumango-tango naman si Catherine sa sinabi nito. "Alima, palagi ka bang nagdadasal, anak?" tanong niya pa kay Alima. "Opo! Palagi-lagi po at sinasabi ko po kay Papa Jesus, sana marami tayong ani at wala pong bad na tao po dito. At may spaghetti po sa birthday ko!" masiglang bulalas niya. Sabay pang natawa ang mag-asawa dahil sa sinabi ng anak nilang si Alima. At bahagya pang ginulo ni Catherine ang buhok ng anak. At saka hinalikan ang pisngi nito. "Nanay, excited na po ako sa ika-siyam na kaarawan ko po sa linggo!" masayang bulalas pa ni Alima nang maalala niya ang kanyang kaarawan. "Bibigyan ko rin po si Jessa ng spaghetti para hindi na niya po ako asarin na pinulot sa tae po ng kalabaw!" bulalas pa ni Alima. "Wag mo na lang pansinin ang mga nagsasabi nyan, anak. Basta, mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Ano bang gusto mong regalo, Alima?" masuyong tanong ni Catherine sa anak. Tila nag-iisip pa si Alima sa naging tanong ng Nanay niya. "Hmmm, manika po!" masaya nyang tugon. "Sige bagong manika. Pero tapusin mo na muna yang pagkain mo," nakangiti pang utos ng Nanay ni Alima. Nagpatuloy sa masayang hapunan ang mag-anak hanggang sa may narinig silang putok ng baril mula sa labas. Mabilis sumilip sa bintana ang asawang lalaki upang tingnan ang nangyari. Bigla naman nakaramdam ng takot si Catherine para sa kanila kaya mabilis niyang niyakap ang anak. Tama nga yata ang bali-balita na pinapaslang ng Lagdamana ang mga taong ayaw ipagbili ang mga lupain sa kanila. "Wag kayong matakot lahat naman madadaan sa maayos na pakiusap," mahinahong sabi pa ni Francis sa mag-ina niya. Sabay-sabay pa silang napatingin sa pinto ng may biglang kumatok. "Itago mo muna si Alima!" utos ng lalaki. At saka hinalikan si Alima sa pagkabilang pisngi. At agad naman tumalima ang ginang, mabilis niyang binuhat si Akima upang itago sa ligtas na lugar. "Alima, wag kang lalabas dito kahit anong mangyari. Huwag ka rin gagawa ng ingay naiintindihan mo ba ako? Kapag lumabas ka, hindi kita ibibili ng bagong manika. Kaya dito ka lang…" mahigpit na bilin ni Catherine sa anak habang itinatago sa silong ng bahay. Tumango naman si Alima habang hawak hawak ang maliit nyang manika. At bakas pa sa mukha ng bata ang matinding takot kahit pa hindi niya lubos na naiintindihan ang mga nangyayari. "Magandang gabi," bati ng mga magkakapatid na Lagdamana sa mag-asawa ng mapagbuksan nila ito ng pinto. "Magandang gabi rin, anong sadya niyo?" tanong ni Francis sa magkakapatid na Lagdamana. Tumawa pa sila nang malakas habang pilit pumapasok sa loob ng kanilang bahay. "Catherine, mas lalo ka yatang gumaganda," komento ni Javier na dating manliligaw ng ginang. "Javier, maaari bang umalis na kayo at gabi na. Kung maaari sana, bukas na kayo bumalik," pakiusap ng babae. Sabay pang nagtawanan ang mga ito. "Wag kang mag-alala at aalis din kami pagkatapos nito." Hinawakan pa nito ang pisngi ni Catherine at dito na umalma si Francis. "Sir, wag mong hawakan ang asawa ko! Kung maaari umalis na kayo!" mariing sambit ng lalaki. "Matapang ka, huh! Tignan natin ang tapang mo!" At mabilis na binirahan ng malakas na suntok sa sikmura at sa mukhang kung kaya naman napadaing ang lalaki sa sakit. "Tama na! Maawa kayo!" umiiyak na awat ni Catherine ng paulanan naman ng suntok ni Javier ang kanyang asawa habang tumatawa lang ang iba pang magkakapatid. Walang magawa ang kanyang asawa dahil masyado silang madami. Kaagad niyakap ni Catherine ang asawa na duguan ang mukha. At ang lahat ng ito ay nakikita ni Alima ngunit nanatili siya sa kanyang pinagtataguan katulad ng bilin ng kanyang ina. "Matagal nang nauubos ang pasensya ko! Pinapahirapan niyo kami, alam niyo ba 'yon?! Masyado kayong matigas! Mahal niyo ang lupa niyo diba?" Sigaw naman ni Joaquin na syang panganay sa magkakapatid. Lumapit pa si Jacinto saka bumulong sa nakakatandang kapatid. At mas lalong bumagsik ang titig niya sa mag-asawa. "Anong akala niyo hindi ko malalaman na nagsusumbong kayo kay Vice mayor Miranda?" ngumisi pa ang lalaki. "Lumayas na kayo! Kundi tatawag ako ng pulis!" pananakot ni Catherine sa mga ito. Ngunit imbes na matakot tumawa lang sila na parang demonyo. "Mabilis naman akong kausap…" kasabay ng mga salitang huling binitawan ay sunod-sunod na malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kapaligiran. Hindi pa sila nakuntento sa ginawa ni Joaquin. Kaya naman bawat isa kanila, binunot pa ang mga sariling baril at isa-isang pinaputukan ang mag-asawa na ngayon ay nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Tumawa pa sila na parang mga demonyo. "Rest in peace!" sabay-sabay nilang sambit. Dumanak ang masaganang dugo mula sa mag-asawang walang kalaban-laban na pinatay ng magkakapatid na gahaman. Tulala ang batang si Alima habang pinapanuod kong paano walang awang pinatay ang kanyang mga magulang sa harap niya pa mismo. Niyakap n'ya ng mahigpit ang manika na bigay ng kanyang Nanay Catherine upang dito kumuha ng lakas. Lahat ng pangyayari ay malinaw sa kanyang murang kaisipan kung paano pinaslang ng mga ito sa sarili nilang kamay ang kanyang Nanay at Tatay. Nanginig ang buong katawan ni Alima dahil sa takot at pagkagulat sa mga nasaksihan. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap ay mawawala sa kanya ang kanyang mga minamahal na magulang. Ganunpaman sinunod niya pa rin ang bilin ng kanyang Nanay na huwag na huwag lalabas kahit anong mangyari. Bago umalis ang mga ito at pinagsamantalahan pa ni Javier ang kanyang kaawa-awang Nanay. Nabalot ng katahimikan ang buong gabi ang dapat sanang masayang hapunan, nauwi sa malagim na karahasan. Nang makaalis ang mga ito ay dahan-dahan lumabas mula sa pinagtataguan si Alima at kaagad tumakbo sa kanyang Nanay at Tatay. "N-nanay…T-tatay… gising na po kayo. W-wala n-na p-po sila." Niyugyog niya pa sa balikat ang kanyang Nanay sa pag aakalang ito ay magigising pa. Sunod naman niyang hinawakan ang kamay ng kanyang Tatay at pilit hinihila upang bumangon. Dahil sa bigat natumba si Alima sa duguang katawan ng kanyang mga magulang. "Nanaaaaaaay… Tataaaaaay…w-wag niyo po a-akong iiwan!!!" Malakas na sigaw ni Alima habang umiiyak at nakayakap sa magulang. Napuno ng dugo ang suot niyang damit at buong mukha ngunit hindi niya alintana ito. Sapagkat ang nais niya ay gisingin ang kanyang mga magulang. Nabalot ng palahaw at hinagpis ng batang si Alima ang kanilang buong kabahayan. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa labas ay kasabay ng pagdaloy ng masaganang luha mula kay Alima. Ang buong pamilya na meron sana siya ay nawala sa isang iglap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
43.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook