Kabanata 2

2505 Words
Kabanata 2 First Day Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi. Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan. "Are you new here in Manila?" Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses. Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad. "Masasanay ka rin dito." Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan. "Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin. Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot. "Twenty two ho, sir." magalang kong sagot. Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit paliko ang sasakyan papasok sa isang subdivision. Hindi na rin ito nagtanong pa ng tungkol sa'kin kaya't sumandal na ako sa car chair habang tinatanaw ngayon ang mga nag gagandahang bahay na nadaraanan. Hanggang sa humimpil ang sasakyan sa isang two story house na may kulay puting kulay. May bakod itong kulay brown at mula dito ay kita mo ang ilang nakatanim na halaman sa loob ng bakuran. Pinatay na nito ang sasakyan at bumaba ng sasakyan kaya't inayos ko na rin ang mga gamit ko upang bumaba. Mabilis kong tiningala ang bahay na tila higante sa laki na nasa aking harapan. Nilingon ko ang lalaki na binuksan ang hindi katamtamang laki ng gate sa tabi ng mahabang gate na para sa garahe. Humakbang na ito papasok kaya't mabilis na rin akong sumunod sa kanya. Hinubad na nito ang suot na sunglasses at Ilang beses itong nag door bell bago may magbukas ng pinto. Umawang ang mga labi ko nang bumungad sa amin ang isang sopistikadang babae na may suot na fitted dress na kulay pula. Nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong buhok na siyang binagayan ng magandang mukha. May pupula itong pisngi at matangos na ilong. May kolorete ang talukap ng mata na matalim kung tumingin at may mapulang mga labi dahil sa lipstick. In short she is beautiful... "Bakit ang aga mo yatang umuwi? May nakalimutan ka?" aniya na hinaplos ang balikat ng lalaki sa kaniyang harapan. Doon lang ako napansin ng babae nang gumawi ang tingin sa'kin ng lalaki. "Who's she?" Agad akong pinasadahan ng tingin ng babae at makailang beses na tumikwas ang kilay sa'kin habang sinusuri ang kabuuan ko. "Siya yung pinadalang kasambahay ng Tita Cecil mo," anang lalaki. The woman in front of her rolled her eyes. "Itong si Uncle Art talaga, I'm sure hindi rin tatagal 'yan." Yumuko ako nang bahagya dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung bakit hindi nagtatagal ang mga kasambahay sa kanila? "Si Tita ang nagpasok sa kanya ngayon pamangkin daw n'ya," anang lalaki dito kaya't muling bumalik ang pansin sa'kin ng babae. Mas lalong tumaas ang kilay nito sa akin at humalukipkip bago kami talikuran. Doon naman ako nilingon ng lalaki. "Pasok ka," anito na walang ka emo-emosyon. Mabilis rin akong tumalima dito at sumunod papasok sa loob ng kaniyang bahay. Gaya sa labas ay purong puting pintura ang mapapansin sa loob. May mataas itong ceiling na abot sa ikalawang palapag. May malaking salaming pader sa bandang kaliwa at may pinto palabas ng back yard. Pansin ko rin ang magarbong sofa set na kulay gray at ang flat screen TV na sa tingin ko'y nasa 60' inches. Ilang paintings din ang napansin kong nakasabit sa dingding at ilang patio na may naka display na figurines at ilang picture frame. Parang bigla akong nahiyang itapak ang madumi kong sapatos sa kulay puti at makinis nilang sahig idagdag mo pa ang carperted floor na siyang sasalubong sa iyo papasok sa may living room. Pansin ko ang padabog na pag-akyat ng babae sa marangyang hagdanan kung saan pumapalo pa ang puwet nito dahil sa laki. "Please follow her upstairs. Pwede mo munang iwan ang mga gamit mo dito," anang lalaki na naglakad naman papasok sa tiyak kong kusina. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ibaba ang aking bitbit na bayong at placard. Iniwan ko rin ang aking bagpack sa ibaba ng hagdanan saka marahang umakyat upang sundan ito. Pumasok ito sa isa sa mga silid doon kaya mabilis akong sumunod dito. Naabutan ko itong nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakapikit nang mariin. Dumilat lamang ito nang mapansin tiyak ang presensya ko. "What is your name?" Yumuko ito sa kaniyang cell phone at naging abala doon. "C-Chantal Herrera ho, ma'am." Patuloy ito sa pagdutdot sa kaniyang cell phone matapos ay muling nagsalita. "Ilan taon?" "Twenty two, ho." Doon umangat ang tingin n'ya sa'kin matapos ay nakakunot ang noo na muli akong pinasadahan ng tingin. "You don't look twenty two, you look twenty five or six." Nagkibit balikat ito matapos n'ya 'yon sabihin. Bahagya naman umangat ang labi ko sa sinabi n'ya. Hindi na ako magtataka, una dahil sa klase ng pananamit na meron ako. Pangalawa ang halos abot bewang kong buhok na itim na itim at ang kulay kong kayumanggi. "Naive," she commented. Ibinaba niya ang hawak na cell phone at muling sumandal sa kaniyang silya. "Take a seat," aniya na mabilis ko naman sinunod. "Ang mayordoma ko dito at ang isang katulong ay namalengke. Uuwi rin mamaya lang. Wala nang ibang katulong dito bukod sa inyong tatlo at ang family driver na si Poncho. Wala kang ibang gagawin dito kundi maglinis. Gusto ko wala akong makikitang alikabok sa bahay at kapag nakita kong may isang katiting na kalat, o alikabok dito sa bahay, sesante ka agad. "Hindi ako nagto-tolerate ng tatamad tamad dito sa pamamahay ko. Gusto ko rin malinis palagi ang swimming pool sa likod at nagugupitan ang mga halaman. Ayokong makakakita ng ano mang kalat sa may backyard." Sunod-sunod naman akong tumango dito habang magkasalikop ang dalawang kamay sa unahan. "Isa pa ayoko ng maingay, tsimosa at higit sa lahat... Ayokong makitang dumidikit ka sa asawa ko, nakikipag kwentuhan, o kahit ano pa 'yan. Kung may kailangan ka, ang mayordoma ang kausapin mo at ako, maliwanag?" Sunod-sunod naman akong tumango kahit pa naiiling ako sa mga sinasabi n'ya. Hindi ko mapigilang isipin kung bakit n'ya pa nasabi 'yon, samantalang walang wala ako sa kalingkingan n'ya. Maganda siya at ako ay hindi, may balingkinitan itong pangangatawan habang ako'y balot na balot sa suot na saya. Inaasam ko rin na magkaroon ng masutlang kutis gaya ng sa kanya, pagkat palagi na lang akong babad sa init ng araw kaya halos magkulay palayok ako sa sunog kong kulay. "Maliwanag na po ang lahat, ma'am." "Pwede ka nang magsimula ngayong araw. Si manang Betty na ang bahala saiyo at sa mga trabaho mo pa dito sa bahay. Pwede ka nang lumabas." Agad naman akong tumango at lumabas na ng kaniyang opisina. Naabutan ko pa ang pagdating ng dalawa pang kasambahay kasama ang sinasabi si Poncho na siyang family driver. "Ikaw na ba ang bagong katulong? Halika sa kusina," anang isang may edad na babae na sa palagay ko ay ang mayordoma. "Tulungan mo muna kaming hiwain ang mga sangkap ko sa tinola, madali ka!" utos niya sa'kin. Agad naman akong tumalima. Dahil gamay ko naman ang pagluluto ay hindi na n'ya kailangan pang sabihin sa'kin ang mga dapat hiwain. Kasabay no'n ay inilabas ko na rin sa mga plastic bag ang iba pang gulay at hinugasan 'yion. "Ako nga pala si Melissa ang katuwang ng mayordoma dito na si Aling Betty," anang may isang payat na babae. Sa tingin ko'y hindi kami nagkakalayo ng edad nito. May kulot na buhok at may katamtaman ang tangkad. Sinulyapan ko si Aling Betty na siyang nakaharap na sa kalan. "Bago lang din ako gaya mo, siguro mga dalawang linggo na. Yung kasabayan ko kasi biglang nag backout matapos pagalitan ni senyorita Yoona." Bahagya akong tumango dito. "Kaya ikaw, huwag kang papahuli na nakikipag kwentuhan ka kay senyorito, Kendric naku, tiyak na sasabunin ka no'n!" ani Aling Betty nang humarap sa may lamesa. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya sa'kin. "Chantal ho." Tumango naman ito sa'kin matapos ay tumalikod na upang harapin muli ang pagluluto. Tinulungan ko naman si Melissa na maghanda ng mga gamit sa may dining area. At nang matapos na kami saka naman tinawag ni Melissa ang mag-asawa sa kanilang silid. Nilingon ko ang dalawa habang pababa ng kanilang hagdanan. Nakayapos pa ang mga braso ng babae sa kaniyang asawa habang maluwang ang ngiti sa mga labi. Yumuko ako nang makababa na ang dalawa sa hagdanan at diretsong naglakad papasok sa may living area. Sina Aling Betty at Melissa na ang nag-asikaso sa mga ito habang ako ay binitbit na ang mga gamit patungo sana sa aking magiging silid nang tawagin ni Aling Betty. "Chantal, pinapatawag ka ni senyorito. Madali ka!" ani Aling Betty sa'kin. Agad ko naman binitiwan ang aking mga gamit at sumunod dito papasok sa komedor. Naabutan ko nang kumakain ang mag-asawa at wala na doon sina Aling Betty at Melissa. Tumingala sa'kin ang dalawa kaya't nahihiya naman akong yumuko. "Pinapatawag n'yo raw ho ako?" "Yeah, sabayan mo kaming kumain, please take a seat," anang mababang boses ni Kendric. Doon umangat ang tingin ko sa kanya na walang emosyon na pinakita. Agad naman akong sumulyap kay Yoona na matiim ang mga matang tumitig sa akin. Tahimik naman akong naupo sa kabilang bahagi ng lamesa na katapat ni Yoona habang nasa kabisera naman si Kendric. "Since, pamangkin ka naman ni Tita Cecil at ni Tito Art na tiyuhin ng asawa ko. Gusto namin na makilala ka pa ng maigi bago mo simulan ang trabaho mo dito," ani Yoona sa'kin. "Baka sa linggo pa makadalaw dito ang Auntie mo, nakausap ko na kanina sa telephono." Nagsalita naman si Kendric na siyang nasa pagkain na ang buong pansin. "So, ano naman ang pinagkakaabalahan mo sa probinsya n'yo bago ka lumipad dito?" umpisa na ni Yoona. "Isa ho akong magsasaka, tumutulong ako sa pagtatanim ng palay, kamote at carrots sa maliit naming sakahan sa Cordova," mahina kong sambit. "Good for you, nandito ka na sa Manila, magkano lang ba ang kinikita mo sa pagsasaka? Mas maganda nang nandito ka, besides hindi naman kami kuripot magpasahod na mag-asawa." Kibit balikat n'ya sa'kin. "We are offering you a 15 thousand salary for a month, then after three months, gagawin kong bente mil ang sahod mo kapag nagtagal ka dito," si Kendric naman ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa binangit niyang halaga. Kung magtatanim ako ng palay, o 'di kaya ay kamote sa loob ng isang buwan ay hindi ko agad 'yon kikitain pagkat kailangan pang palaguin at mahinog ang mga 'yon para mabenta. Samantalang dito ay, maglilinis lang ako may 15k na ako?! "Sagot na rin namin ang heath insurance mo," dagdag pa ni Kendric. Kumurap ako at hindi na maisubo pa ang pagkain sa aking harapan. Kung susumahin ang perang 'yon ay pwede na akong maka-ipon para matustusan ang aking pag-aaral at makapagpadala sa amin sa probinsya. "Hindi na rin masama diba? Basta sundi mo ang lahat ng bilin ko at inuutos ko saiyo," si Yoona na tila iba na ang tingin sa'kin. Agad ko naman naalala ang binangit n'ya tungkol sa asawa. "Naiintindihan ko ho, salamat sa offer n'yo. Hayaan n'yo pagbubutihin ko ang trabaho dito." Tumango lamang si Kendric sa'kin habang si Yoona ay tumaas naman ang kilay. Muling bumagsak ang tingin ko sa pagkain. Kahit gutom ako'y hindi ko 'yon magalaw dahil sa maiinit na tingin pinupukol sa'kin ni Yoona. Mabuti ay mabilis na natapos ang tanghalian ng mag-asawa. Pansin ko rin na umalis ang sasakyan ni Kendric kasama ang asawang si Yoona. Samantala sa kusina ko na tinuloy ang pagkain habang panay naman ang tanong sa'kin ni Melissa. "Ako nga hinihintay na dagdagan agad ang sahod ko para naman makapagpa salon na ako!" anito sa'kin habang nakaharap sa hugasin. "Basta magsipag lang kayo at sundin ang lahat ng utos ni senyorita Yoona," ani Aling Betty na siyang kapapasok lang sa loob, kasunod nito ang nag ngangalang Poncho na sa tingin ko'y nasa edad 30 pataas. "Poncho, si Chantal ang bagong kasambahay dito." Pakilala sa akin ng ginang. Tumango lamang sa'kin ang lalaki matapos ay gumawi na ang tingin kay Melissa. "Ano, pwede kaba mamaya? Libre ko na?" anito. "Sige na nga, para lang lubayan mo na ako, basta libre mo, ah?" narinig kong sagot ni Melissa na siyang humarap na sa mga hugasin. Sinamahan naman ako ni Aling Betty sa aking magiging silid. Labis naman ang pagtataka ko nang dalhin n'ya ako sa may guest room sa may bandang dulo ng pasilyo. "Pansamantala ka munang dumito. Okupado kasi namin ni Melissa ang mga silid maging ang isa para kay Poncho. Tutal marami naman silid dito kaya inutusan ako ni sir na dito ka na lang patuluyin," aniya habang hinahawi ang malaking kurtina. Mula dito ay tanaw ko ang malawak nilang bakuran sa may likuran bahay. Naroon din ang oval shape na swimming pool na hindi biro ang laki. May ilang halaman at bulakbulak din na siyang tumatabing sa mataas na pader. "Ang swerte mo nga nasa guest room ka," komento pa ni Aling Betty. Bumalik naman ang tingin ko sa kanya matapos ay nilibot ng tingin ang buong silid. May queen size bed sa sentro nito naroon sa ibabaw ang ilang pares ng uniform na susuotin ko sa trabaho. May isang side table at lampshade. May long couch sa bandang gilid maging sa paanan ng kama kung saan may cabinet doon kung saan may nakapatong na flower base. Sa taas nito ay 32" inch flatscreen tv at sa bandang gilid ay isang parihabang paintings. Sa bandang kaliwa ay ang kulay gray na cabinet na sa lalagyan ng mga damit at sa dulo nito ay ang pinto na tiyak kong banyo. Nilingon ko si Aling Betty nang buksan pa n'ya ang isang pinto katapat ng banyo. Iyon ay diretso palabas sa may backyard. "May daan ito patungong likod bahay, ito na kasi ang pinakahuling silid dito sa mansyon," aniya. "Mabuti naman ho, hindi ako mahihirapan na linisin ang swimming pool kung sakali," wika ko bago ngumiti. "Paano ikaw na ang bahala dito. Babalik ako para dalhin ang uniform mo, tapos ay pwede ka nang magsimula ng trabaho. Unahin mong linisin ang salas, tiyak na may bisita mamayang gabi ang mag-asawa," wika n'ya. "Ah, pwede ho bang magtanong?" Hindi ko na napigilan ang sarili. "Ano 'yon?" "Matagal na ho bang kasal sina sir Kendric at Yoona?" Muli niyang isinarado ang pinto at naglakad sa may kama upang pagpagin 'yon. "Bago lang na mag-asawa 'yang dalawa. Siguro mga nasa dalawang taon pa lang. Iyon nga lang hindi pa nagkaka-anak itong dalawa. Baka marahil ay wala pa sa plano nila." Pinagkibit balikat ko lamang ang kaniyang sinabi matapos ay nagpaalam na ito para magtungo sa may kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD