Dying inside to hold you Wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ang binata. Humugot siya ng malalim na hininga saka binuksan ang pinto. " Akala ko ba, tulog ka na?" Pilyong bungad nito. " G-ginising mo ako" utal niyang turan. Piningot siya sa ilong. Namula siya. "Bumaba ka na, kakain na tayo." Ani nito. "S-sige, susunod nalang ako." nauutal niya pa ring wika. "Okay! " Sang- ayon nito. Tiningnan siya muna ni Nathaniel bago tumalikod. Ayyttss! Pilyo ka talagang Nathan ka!! simangot niya. Kapagkuwan ay nagpasya na siyang bumaba na. Tahimik ang hapag habang kumakain sila. Nagtitinginan lang sila. Para silang mga pinukpok ng ulo na nawalan na ng boses. "I will flight tomorrow morning for overseas! And I want all of you must take care, Graciela!" Kapagkuwan ay sabi ni Madam Cess.