DYING INSIDE TO HOLD YOU #13 Hindi malaman ni Nathan kung anong gagawin. Paano kung hindi naman? Pero paano kung totoo pala.? Gulong- gulo na tanong nito sa sarili. Nagpasya na siyang naligo at bumababa na. Lumabas siya ng Villa. Hinanap si Tyrone at may ibibilin siya rito. "Tyrone, punta ka ng opisina. Sabihan mo ang secretary ko, hindi ako papasok for one week." Bilin niya dito. Tumango si Tyrone at pinuntahan niya ito si Mang Kanor. Bumalik siya loob ng Villa at tinawagan si Matthew. Nakatatlong ring muna bago sumagot ang binata. "Whats up?" Tanong ni Matthew. "Pumasok ba si, Grace?" Tanong din nito. "Nope. May lagnat siya nu'ng tiningnan ko kasi, medyo mala-late na siya. Pinainom na namin ni Manang Cely ng gamot bago ako umalis." Sagot nito. Natigilan siya at napapaisip. Kumabog