DYING INSIDE TO HOLD YOU CHAPTER 44 Natuloy nga sila sa kanilang outing na pumunta sa isang resort. Dinala nila lahat ng tao sa Villa kaya, halos mapuno na ang resort. "Kailangan ba talagang dalhin ang lahat? Napakabait talaga ng hubby mo, ah!" Wika ni Tenten kay Grace. Ngumiti itong lumingon sa pinsan. "Oo, naman! Kaya nga, mahal na mahal ko 'yun eh!" Masayang sagot ni Grace. "Kainggit naman! Mapapasana all ka na lang!" Tugon ni Tenten. Mas lalong natawa si Grace. "Hay naku! Nandiyan naman si Matthew, ano pa bang hinihintay mo?" Turan ni Grace. Biglang namula ang dalaga sa tinuran ng pinsan. "Uy! Hinay- hinay naman at baka, marinig ka nakakahiya! Sabihin no'n, desperada ako!" Saway niya kay Grace. "Ayaw mo ba kung sakali, Tenten?" Biglang sabi ni Nathan sa kanyang likuran. Gu

