BINILINAN ni Cedric sina Cain na i-trace si Tyler sa lalong madaling panahon. Akala niya ay nanahimik na ito dahil hindi na nagpakita pa ang lalaki pagkatapos ng kanilang kasal ni Gabriella. At binilinan niya rin ang lahat na huwag magpapahalata sa huwad na Gabriella sa loob ng Mansiyon. "I will not drink the milk that she will give it to me, stay tune outside my room." Bilin ni Cedric kay Thorn. Tumango si Thorn at nag- thumbs up. Settle na ang lahat ng mga plano, nakakuha na rin sila nang mataas na dosage ng gamot ni Cedric. Kapag nagkataon, babalatan niya nang buhay ang babaeng nagpapanggap na si Gabriella. Ang kanyang mga magulang at mga kapatid ni Cedric ay nagpunta sa Isla. Bilin iyon ni Cedric para kapag kumplikado ang lahat walang madadamay pang iba. Maging ang mga katulong sa Ma