Hindi pa rin mapakali si Thorn sa loob ng emergency room. Parang pelikula na paulit- ulit lumilitaw sa kanyang isipan ang mga pangyayari kahapon lamang. Si Brie, na dahil sa pagmamahal sa kanyang ama handang isakripisyo ang buhay. Hindi niya alam kung bakit napakabilis ni Brie ng mga sandaling iyun. Gustuhin man niyang iligtas ito, huli na ang lahat. Mabuti na lamang at siyang pagdating ng kanilang back- up. Gumana ang kanilang plano, ang may isa pang grupong susunod sa kanila in case na may mangyari. Dangan lamang, may nasaktan at si Brie iyun. Noon lang siya nakadama ng labis na takot, labis na pangamba. At nang dahil sa dalaga, para siyang maiiyak na hindi niya mawari. Muli niyang tiningnan ang dalaga sa may glass window. May benda sa ulo, may mga tubo sa bunganga nito. At kung anu-