Napakagara ang buong Mansiyon. Maraming bisita ngunit mahigpit ang seguridad lalo na sa buong paligid. Lahat ay excited at samut' saring iniisip tungkol sa pagbabalik ng Don Carlito Villafuerte. Simple lang ang gown ni Gabriella, pula iyun na may slit sa left legs nia. Tube gown na hapit sa kanya at mas lumutang ang kanyang kagandahan at kaputian. "Wow! Alam kong maganda na si ampon pero, kung maayusan para pa lang diyosa na bumaba sa langit." Bulalas ni Aaron. Siniko namam ito ni Warren at pinandilatan. "Wala ba akong karapatan na humanga kahit ngayong gabi lang?" mulagat naman ni Aaron. "Trabaho mo ang isaksak mo sa marumi mong utak, ulol!" singhal ni Warren. "Tama na 'yan! Para kayong KSP diyan," sabat naman ni Thorn saka sila iniwan at lumapit kay Gabriella. "Ano ba ang KSP, Wa