Nagkagulo ang lahat nang marinig ang atungal ni Aaron. Kahit na ayaw sanang ipaalam ni Warren sa iba pero napakalakas kasi ang atungal ng binata. Hindi alam ni Warren kung maiinis o masusuya sa hitsura at reaksyon ni Aaron. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Thorn nang makalapit ito sa kanila. "Si boss, nawawala!" Atungal pa rin ni Aaron. "Ha? Paanong nawala?" Bulalas naman ni Thorn. "Tingnan mo naman, damit na lang niya ang natira!" Tugon ni Aaron. Nagbuga nang hangin si Thorn. "Warren, pakikuha nga ang telescope sa loob." Utos ng binata. Agad namang tumalima si Warren at patakbong tinungo ang loob ng bahay. "Nakita ko lang kanina na tila galit na galit eh! Tapos, damit na lang niya ang natira!" Atungal pa rin ni Aaron. "Will you stop that? Para kang binabae!" Inis na wika ni Thorn. "