THE HANGING CONFESSION Kahit anong gawin ni Delaila ay hindi niya magawang makausap si David. Nagiging desperada tuloy siya. Hindi naman siya pwedeng tumigil doon at bantayan ang bahay nito lalo pa at nagbanta si Marga na tatawag ito ng pulis. Kilala niya ito at alam niyang gagawin talaga iyon ng babae. Nanlulumo siyang lisanin ang bahay ng mga Gatchallian. Natatakot siyang baka magkaroon pa ng eskandalo lalo pa at mainit sa mata ng medya ang kaso ni Miya. Kayang-kayang manipulahin ni Marga ang lahat. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makausap si David. Matapos lisanin ang bahay ng mga Gatchallian ay dumeretso siya sa kulungan dahil may oras pa naman para sa pagdalaw. Papasok na siya nang makita si manang Edna. "Delaila..." turan nito. "Manang Edna?" Tugon naman dito. "Dadalaw