CHAPTER 60: ISANG LINGGO NA ang nakalipas ngunit nawalan na talaga ako ng balita tungkol kay Travis. Maging ang mga ka-grupo niya ay walang alam sa kung nasaan siya. I’ve been trying to contact him but I couldn’t. Hanggang sa nag-cannot be reach na nga ang linya niya. Hindi maitago ang pag-aalala ko sa nangyari na nagawa kong bumalik sa dating subdivision na tinitirhan namin ng pamilya ko. Bumisita ako sa mansyon nila Travis ngunit wala akong nadatnan doon kundi ang mga kasambahay lamang. Araw-araw din ay walang humpay ang pakikibalita ko kay Davie. Nahihiya na nga akong tumawag kung minsan ngunit hindi kasi ako mapakali kaya napipilitan akong tawagan siya. “May alam po ba kayo kung nasaan si Travis?” Hindi ko na napigilan pa ang puntahan ang mismong Manager nila Travis na si Miss Al

