CHAPTER 50: NANG MALAMAN KONG magiging leading lady ni Travis si Andrea Lopez, hindi naman ako gaanong nag-alala. Parang wala lang naman talaga iyon sa akin. Alam ko naman na ang trabaho ng mga artista. Alam ko dahil nakapagtrabaho na rin naman ako sa isang teleserye at pelikula. Pero what made me bothered is when I saw an issue on social media way back two years ago. Si Andrea Lopez daw ay nakaapat na boyfriend sa loob ng isang taon! Really, hindi naman talaga dapat ako mag-aalala. Wala akong pakialam kung gaano pa karami ang naging boyfriend niya, kahit na milyon pa ‘yan sa loob ng isang taon! Pero noong nakita ko ang mga sexy photos niya, doon na ako kinabahan. She has bigger boobs than I have, mas balingkinitan siya sa akin at mas matangkad! “Ay kainis!” Natigilan ako nang hindi ko

