CHAPTER 66:

1200 Words

CHAPTER 66: KUNG KANINA, HINDI matapos ang mga tanong ni Mama at Papa kay Travis, ngayong nasa lamesa na kami at magkakaharap, wala yatang balak na magsalita ang bawat isa. Nakahawak si Travis sa kamay ko at ramdam ko ang pamamawis no’n. Sa lahat ng bagay na napagdaanan namin, ngayon ko lang siya nakitang kinabahan nang ganito. Marahan akong tumikhim para simulan ang usapan. “Magtatatlong buwan na po kami, Ma…” paunang sabi ko. “Pero matagal niya naman po akong niligawan.” Mukhang hindi kumbensido si Mama sa sinabi ko, nakatitig lang siya kay Travis na ngayon ay nakayuko. “Tatlong buwan pa lang kayong magkarelasyon pero nagsasama na kayo sa iisang bubong?” naniningkit ang mga matang tanong ni Mama. “Alam mo anak, kung si Davie sana ang kinasama mo sa iisang bubong, hindi ako mamomroble

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD