CHAPTER 33:

1715 Words

CHAPTER 33: HINDI NA NAUBOS ang tanong nina Milly at Kate kay Davie at Travis nang makarating ang mga ito. Imbes na movie marathon sana ang gagawin namin, nauwi kami sa kwentuhan habang kumakain ng snacks. “Parang gumwapo ka yata ng mga 10% Davie!” puna ni Milly. Nanliit ang mga mata ni Davie saka nag-pogi sign. “Lumilinaw na yata ang mag mata ng girlfriend mo, Zack. Itali mo 'yan at baka mahulog sa akin.” “Gago!” mura ni Milly sabay hampas kay Davie. Nagtawanan kami roon. Ngayon lang ako nakatawa ulit nang ganito simula noong ilang Linggong wala sila. Si Davie talaga ang nagpapatawa sa amin simula't sapul at kung wala siya, hindi masyadong maingay. “Huwag n’yo kaming kalimutan ‘pag sikat na kayo, ah!” hirit ni Zack. “Araw-araw ko kayong kokonsensyahin kapag kinalimutan n’yo kami.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD