NAGISING si Haze dahil sa ingay ng kaniyang cellphone. Habang nakapikit, inabot niya ang cellphone na nasa nightstand saka sandaling iminulat ang mata upang tignan kung sino ang tumatawag. Agad rin siyang pumikit nang mabasa niya ang pangalan ni Janine. “Hello.” Pagsagot niya sa tawag ng kaibigan sa inaantok na boses. “You’re still sleeping, huh.” “Ano?” tanong ni Haze. “Pinagod ka ba ng jowa mo kagabi? Ito ang unang beses na late kang nagising.” Pang-aasar pa ni Janine kay Haze. Haze just sighed. “Kung wala kang sasabihin, papatayin ko na ang tawag…” “Wait. Huwag mong patayin ang tawag. Ito naman. Binibiro lang kita.” Sabi ni Janine. “Gala tayo.” Aya niya kay Haze. Nagmulat ng mata si Haze. “Gala? Saan naman?” tanong niya. “Kahit saan basta wala ang jowa mo. Kapag siya ang kasam

