Mahigpit man ang hawak nina Juliana at Rose sa pala at kahoy sa mga kamay nila ay makikita namang tahimik na umaagos ang mga luha nila sa mga mata nila habang nagkakatigan sila ng masama. Walang gustong maunang kumilos sa kanila! Dahil ayaw nila ang nagaganap na ito! Nasasaktan sila ng labis-labis! Naalala kasi nila ang masayang mga pangyayari sa buhay nila. Tandang- tanda pa nila kung pa'no sila nagkakilala sa school bilang magkaibigan. Simula noon hindi na sila mapaghiwalay. "Ako si Juliana!" Magiliw na unang pakilala noon ni Juliana kay Rose dahil suplada pa noon si Rose. "Gusto mo? Don't worry walang lason." At nang alukan ni Juliana ng pagkain niya si Rose ay napangiti rin niya Rose. "Ako naman si Rose," pakilala na rin ni Rose na matamis ang mga ngiti kay Juliana. Simpleng pagta