Luna POV* Naglalakad kami papasok habang nakahawak ako sa braso ni Juno at maraming mga Bodyguard na nakapalibot sa amin. Wala namang problema ang mga nakapasok dito dahil mahigpit ang inspection dito pag pumapasok ka para walang masaktan pag aalis mamaya. Nakikita ko na nasa mga 75 ang lahat ng mga taong nandidito. Mayayaman din sila pero ang iba biglang bumagsak dahil pambayad sa mga utang nila at pampyansa naman ng iba. "Patawarin niyo na po kami! Di na po kami uulit!" "Oo nga po. Hindi po namin ginawa iyon." "Inosente po kami!" "Ibalik niyo na po sa amin ang kayamanan namin!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mukhang nakakasira sila ng hapon ngayon ha. "Hindi naman kayo nagkasala sa amin. Kundi sa mga biktima lang naman na nangangailangan ng hustisya." "Tapos na ang kaso

