Luna POV* "M-Mr. Miller!" "Teka, si Mr. Miller ba talaga ito? Yung Multi Billionaire?" di makapaniwalang ani ng Asawa ni Dennis. Napakunot ang noo ni Juno dahil mukhang gulat na gulat talaga sila. Di kasi nila inexpect na dadating siya ngayon ang akala niya ay ang Asawa niyang si Luna lang which is ako din naman iyon. Ang mukha ni Juno ay parang mangangain ng tao. Napatingin siya sa akin at mukhang nakita at narinig niya ang mga ginawa sa akin. "Hello, mabuti at nakarating ka agad, Juno." Sabay silang napatingin sa akin habang ako ay nakangiti pa din. "Hey, Luna. Wala ka bang respeto? Si Mr. Miller na ang kaharap mo." Sinamaan ako ng tingin ni Dennis. At akmang sasampalin pa ako pero di niya tinuloy. "Mr. Miller, pasensya na po sa babaeng ito di po marunong rumespeto sa inyo."

