Luna POV* Napamulat ako nasa higaan na ako. Mukhang binuhat ako ni Juno papunta sa kwarto ko at napatingin ako sa kamay na nasa tiyan ko na nakahawak. Dahan dahan kong tiningnan at nakita ko si Juno na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa likuran ko. Gusto kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko pero di ko matanggal ang kamay niya doon. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin ako sa damit ko at pangtulog na iyon. Binihisan niya pa ako bago matulog. Umikot ako at tiningnan ang mukha niya habang natutulog. Mukhang humupa na ang inis ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at bigla siyang gumalaw at mas lalong yumakap sa ako na parang bata. Kaharap ko ngayon ang leeg niya. Nakaramdam naman ako ng ginaw. Iba ang klima dito at sa Italya. Mukhang mag snow atah dito ngayon d

