Chapter 3

1652 Words
Luna POV* Nakatitig ako ngayon sa mukha ni Juno dito sa laptop ko at napakagat na lang ako sa labi ko dahil ngayon ko lang napagtanto ang gwapo niya. Mabuti wala na si Stella dito kundi kukulitin pa niya ako. Di pa niya alam na siya talaga ang lalaking naka one night stand ko ang pagkakaalam lang niya same sila ng pangalan. Nakatingin ako sa news tungkol sa kanya at mag iisang linggo pa pala siya dito sa Pinas dahil sa isang business trip, pero ang pinagtataka ko bakit nandoon siya sa Bar? Napabuntong hininga na lang ako at sinira na lang ang laptop ko dahil alam ko sa sarili ko na hanggang tingin na lang ako sa kanya ngayon. Nakakahiya naman noh kung ipagsigawan mo na 'Ako yung naka one night stand mo' kakaiba din yun. Napailing iling na lang ako at kahit masakit ang katawan ay kinuha ko ang gamit ko para magtrabaho na. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang kompanya at kagaya ng sinabi ko noon ay iniba ko ang apelyedo ko parang walang nakakilala pero ngayon just call me Luna Muños. Mabuti wala ng Nico na nanggugulo sa akin dito at sana di siya manggulo sa kompanya baka tuluyan ko na siyang masapak ng wala sa oras. Lumakad na ako palabas ng Condo at agad nagmaneho papuntang Kompanya na pinagtatrabahuan ko. Pinark ko na sa parking lot ang sasakyan ko at agad lumabas dahil mukhang malapit na akong malate sa mga oras na ito. Agad kong hinanap ang ID ko sa bag ko nang napakunot ang noo ko dahil wala doon. Di ako makakapasok pag wala akong ID. Napalunok ako at mabilis na bumalik sa Parking Lot nagbabakasakaling nandoon sa sasakyan ang ID ko. My God! Pero wala talaga ang ID ko sa sasakyan na kinasandal ko na lang sa sandalan. Biglang tumunog ang cellphone ko at nagulat ako dahil ang kasamahan ko sa trabaho ang tumatawag sa akin. "Amy, bakit?" "Anong bakit? Kaloka ka asan ka na ba? At alam mo naman na ngayon natin ipepresent ang presentation natin." Yun na nga ba ang sinasabi ko. "Nandito na ako sa labas ng kompanya pero may malaki akong problema ngayon." "Ha? Ano naman ang problema mo? Teka mamaya na yan at pumunta ka na dito." "Yun nga problema ko kasi di ako makapasok." "At bakit naman?" "Nawala atah ID ko." "What!" Nalayo ko ng kaunti ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya. "Gagawa ako ng paraan para makapasok." "Hihintayin kita dito at dalian mo. Dahil malalagot na naman tayo sa supervisor natin." Juno Miller POV* Nakatingin ako sa ID ng babaeng naka one night stand ko. Di ako makapaniwala na tinakasan niya ako. Di nga niya sinabi ang pangalan niya pero nasa akin naman ang ID niya. At paniguradong hahanapin niya ito ngayon kung papasok siya ngayon sa pagtatrabahuan niya. "Mr. Miller, parang nagkainteresado po kayo sa kanya, di katulad ng mga babaeng naghahabol sa inyo noon." Napatingin ako sa kanang kamay ko na si Jett. "I find her interesting. Hanapin mo siya dahil may ibabalik ako sa kanya." Napatingin ako sa Ten Thousand na iniwan niya sa lamesa. Kakaiba talaga siya. "Masusunod po." Lalakad sana siya nang matigilan siya at tumingin ulit sa akin. "Mr. Miller, I think ngayon po ang punta natin sa kompanyang pinagtatrabahuan po ng nagmamayari ng ID na yan." Napatingin ako sa ID at mukhang tama nga siya. Doon kami papunta at siguradong makikita ko siya doon. Mukhang ang tadhana na ang naghahanap ng paraan para magkita tayo, Miss Luna. "So let's go." Luna POV* Nandito na ako sa harap ng Entrance at kaharap ko ngayon ang gwardya. Kailangan kasi ng ID para makapasok ka yung scanning lang sa ID para bumukas ang salamin na pinto. "Kuya Guard, pwede po bang pumasok? Nawala ko po kasi ang ID ko kahapon at timing po ngayon ang presentation namin at kailangan ko na pong pumunta sa department ko." "Alam mo naman ang rules dito na di talaga kami nagpapasok ng walang ID. In English ay No ID, No Trespassing." Napakagat ako sa labi ko. "Sige na po..." "Miss." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaki na parang foreigner. "Yes sir?" "You're looking for your ID?" Tumango tango ako baka nasa kanya ang ID ko. "Do you have my ID?" "Not me, my Boss have it, Miss." Napataas ang isang kilay ko. Nasa Boss niya? "He's inside now." Pinakita niya sa security ang isang VIP ID kaya pinapasok agad kami. Hala VIP pa ang nakakita ng ID ko. Pero paano niya nakita ang ID ko? Wala akong maisip kung saan ko naiwan ang ID ko. Naglalakad kami papasok at sumakay din kami ng Elevator. "Uhmm, by the way I'm Luna Muños and you are?" "I'm Jett, and I already know your name, Miss Muños." Napakunot ang noo ko. Teka saan niya nalaman? "How did you know?" "In your ID." Ah, ganun pala. Natawa na lang ako para akong lutang ngayon. Nakarating na kami sa VIP room at kinabahan ako dahil pang VIP talaga ang meeting room na ito. Dito nagmemeeting ang CEO, President and other higher nilalang in the whole world. Char over na. "Wait, who's inside?" "Only my Boss." Tumango tango na lang ako. Kinabahan ako baka kasi pumasok na lang ako bigla ay nasa meeting pala sila. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at dahan dahan naman akong pumasok at agad pumasok sa ilong ko ang mabangong pamilyar na amoy. Madilim ang VIP room pero may mga maliliit na ilaw sa gilid at may nakaupo doon sa isang upuan at nakatalikod siya sa akin. "Uhmm, excuse me." "Yes?" Bigla siyang tumingin na kinalaki ng mga mata ko. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking katabi ko boung magdamag kagabi. Teka mukhang alam ko na kung bakit nasa kanya ang ID ko. Ang tanga mo naman Luna doon pa talaga nahulog ang ID mo sa kwarto kung saan kayo nag isang katawan. Mabuti di gaano maliwanag kasi ang pula pula na siguro ng mukha ko. "Good Morning, Sir. May I have my ID?" Dapat professional lang tayo at wag magpapaapekto sa ka perfect niyang pagkatao. Dahil parang na hihipnotise ako sa kagwapuhan niya. "Here, come here." At isa pa yan ang magandang boses niya na ang sarap sa tenga kung pakinggan. Agad naman akong lumakad at kukunin ko sana ang ID ko, nang di ko iyon nakuha at siya mismo ang kumuha sa kamay ko na kinalapit ko sa kanya at nagkalapit din ang mga mukha naming dalawa. "I think, I like you and I want you too, Luna Muños." Nanlaki ang nga mata ko sa sinabi niya. Parang pamilyar ang sinabi niya. "Miss, lasing ka lang." "I'm not drunk. And I'm started to like you and want you, Juno." "Ikaw ang may sabi niyan, Miss." Biglang naalala ko ang mga sinabi ko nung gabing iyon. Bakit nasabi ko iyon? "What do you mean, Sir. Di po kita maintindihan." "Di mo maalala? Ipaalala ko sayo." Isang iglap naglapat na ang mga labi namin na kinalaki ng mga mata ko at boung lakas ko siyang tinulak. What the! "Anong ginagawa mo, Sir?" Kainis bakit nag iinit agad ang katawan ko dahil sa ginawa niya? Bakit ganito ang reaksyon ng puso at katawan ko sa kanya. "Do you remember now? Pinapasok mo ko sa mundo mo at mukhang di ko na kailangang lumabas dahil mukhang nagkakagusto na din ako sayo." Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Nakikita ko sa itsura niya na parang nagkagusto na siya sa akin. At mukhang malaking tulong na din ito para tuluyan ng lumayo si Nico sa buhay ko. Bigla niya akong hinila at nanlaki ang mga mata ko dahil nakaupo na ako paraharap sa kanya at yakap yakap niya ako. "Di ko kailanman makakalimutan ang gabing iyon." Napakagat ako sa labi ko dahil nararamdaman ko ang pag umbok ng alaga niya doon. Naalala ko kung gaano kalaki ang alaga niya na pumasok sa akin. "Teka kalimutan mo na iyon, lasing lang tayo nun at sa totoo lang di ako ganung babae na basta basta na lang nakikipag one night stand sa kahit sino, kaya--" Tiningnan niya ako at idinikit na naman niya ang mga labi namin. "I know you want me again." "Teka!" Tumingin ako sa kanya. "Teka mukhang katawan ko lang ang gusto mo. I'm sorry ayokong maging bayarang babae. At ang nangyari sa atin kagabi ay dala lamang iyon ng kalasingan natin." Tumayo ako sa pagkakaupo sa kandungan niya. "If you don't want that then I make you fall for me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso? "Just give me 1 year for being my Girlfriend." Teka bakit kami naabot sa ganito. "Teka lang sa totoo lang kung papayag ako sa sinasabi mo ay parang ginawa na kitang pangtapak sa Ex ko dati." "I don't care about that Bastard ex of yours. You can use me whatever you want." Napangiti ako at tumango tango. "Okey, fine, gawan mo ng kontrata ang topic natin ngayon. At simula ng mapirmahan ko na ang kontratang iyon ay ako ang masusunod." Nakita ko na natahimik naman siya sa sinabi ko. "You don't want? Eh di na lang natin itutuloy--" "Okey, it's that you want." Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang balikay niya at isang iglap naglapat ang mga labi namin. "First contract kiss." Sinabi ko iyon sabay kuha sa ID sa kamay niya at napansin ko na may perang nakisabay sa ID ko. "Sayo ba ito," tanong ko bigla. "Nah, sayo yan at iniwan mo yan nung umalis ka at di ko yan matatanggap dahil I have lots of that." Oo nga naman. "Whatever, so alis na ako." "See you later, Sweetheart." Di ko inexpect na sasabihin niya ang bagay na yun biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad na akong umalis doon. Ano ba itong napasok ko! ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD