Luna POV* Nakikita ko ang paglunok ni Juan dahil sa gagawin ni Kuya Oliver sa kanya. "Wait, Kuya Oliver." Hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa di kalayuan. "Why, Princess?" "Kuya, about sa kanilang dalawa ay ineksperementuhan sila nung Doctor Rod kaya mukhang may phobia pa sila sa mga ganyan." Napatingin naman si Kuya Oliver doon. "Kaya pala nakikita ko sa mukha nila na parang natatakot sila sa gagawin kong pag check sa kanila. Lalo na yung Juan." Nakikita din namin kanina ang panginginig din ni Jett ng kaunti. Siguro dahil ito sa ginawa nung Tito niya. Once makaharap ko talaga ang matandang iyon di ko siya uurungan. "Okey, leave it to me." Tumango na lang ako at babalik sana kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at pangalan ni Black Demon ang nakalag

