Luna POV* Nakatingin ako sa kanya habang nagluluto siya ng almusal. Nandito pa din kami sa Japan at ika apat na araw pa namin dito. Nakatingin ako sa fitted shirt niya at kitang kita ko ngayon ang matigas na abs niya at naka shorts lang din siya. Pwede na pang almusal eh. Hinawakan ko ang gilid ng bibig ko baka may laway mahirap na. Perfect na talaga ang Asawa ko kasi marunong din siyang magluto at yun ang nakadagdag sa sexy appeal ng mga hot daddies. "Wife, I'm melted." Napatingin ako sa kanya at kanina lang pala niya napapansin na nakatitig ako sa kanya. "Sweetheart, yakap ako." Napatingin siya sa akin at natawa. Walang dala dalawang lumapit siya sa akin at tinaas ko ang dalawang kamay ko at pinalibot mo iyon sa batok niya at buhat buhat na niya ako. Magaan naman ako kaya gusto n

