Luna POV* Napamulat ako at nakita ko siya na nakangiting nakatingin sa akin. Anong ngiti ngiti niya? Sa tingin niya natutuwa akong nakatingin sa mukha niya? "Sa wakas, nasa kamay na din kita, my lovely Luna." Ang nagsalita ay ang oh so great na si Rod at parang nanginig ako sa pagtawag niya sa akin. Nasa puder na niya ako at nakatali ang kamay ko at nasa gilid niya si Jett na walang emosyong nakatingin sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Jett at pati na din si Rod. "Wag mong tingnan ang pamangkin ko ng ganyan. Sumusunod lang naman siya sa inuutos ko, diba, Jett?" Umiwas ng tingin si Jett. "Jett, anong ibig sabihin nito? Akala ko nagbago ka na?" Galit na galit na sigaw ko sa kanya pero wala pa ding emosyon ang kanyang mukha. "Good job, Jett. Di mo talaga ako binigo." Tinapik nito a

