bc

Owned by the Devil

book_age16+
691
FOLLOW
4.4K
READ
billionaire
fated
dominant
dare to love and hate
CEO
drama
twisted
bxg
enimies to lovers
lies
like
intro-logo
Blurb

[FILIPINO] Jeanna De Lara is stuck to her past love. Hindi man niya binibigyan ng pansin; alam niyang malaki ang nagawa ng nakaraan sa kanya—lalong-lalo na sa pagtitiwala at pagmamahal muli ng iba. Moving on seems impossible alone. Hindi na masama kung may darating para tumulong na sa kanya.

At nangyari iyon dahil sa isang pulang stiletto! She finally had the chance to meet someone who could possibly be her solution... or not.

Kieth Leandro Montelvaro is one silent killer. Literal na mas gusto niyang manatiling tahimik lang para sa tahimik niyang buhay. But Fate seems to plan something else for him. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang babaeng makakatapat niya at nakakapagpabago sa lahat. She brought change—and a lot of trouble.

With that fateful red stiletto, their lives collides into a very life-changing situation.

Love. Trauma. Lies. Right timing.

Saan nga ba hahantong ang kwentong noong una pa lang ay hindi na sana nabuo?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Kung ano mang binabalak mong gawin, itigil mo na. Wala akong gusto sayo at wala akong balak na magustuhan ka." Matalim na sabi ni Jeanna.   Kaninang-kanina niya pa pinagtitimpihan ang lalaking ngayon ay nakangisi lang sa kanya. Buong katawan na niya ay nanginginig sa pagkamuhi para dito. Kahit na ano naman yata kasing sabihin niya, wala lang ang lahat para dito dahil hindi man lang natinag ang ngising iyon. Ang ngising malademonyo.   Napailing ang binata. "Jeanna, Jeanna, Jeanna." Isang halakhak ang pinakawalan nito. "Sa tingin mo, naniniwala ako sayo?"   Nanigas ang panga niya sa pagpipigil. Kung pwede lang ay sinampal na niya ang binata, pero alam niyang mas lalo lang siyang hindi makakaalis dito. Lalo na ngayon at nasa mga mata ang pagnanasa nito sa kanya. Ang mga matang pinaghalong sa anghel at sa demonyo. Bagay na bagay sa napakagulong pag-iisip ng binata. Bagay na bagay sa maitim na budhi nito, at ayaw man niyang aminin, bagay na bagay sa gwapo nitong mukha.   "Wala kang gusto sa akin at wala ka ng balak pa na magustuhan ako." Pag-uulit ng binata na akala mo nandidiri sa mga salitang inulit.   Nanginginig siyang tumango. Tila umurong na ang lahat ng lakas ng loob niyang makipag-usap sa nilalang na ito. Alam na niyang nawalan na ng punto ang pakikipagtalo niya dito. Ang kaninang pagkamuhing nararamdaman niya ay napalitan na lamang ng pagkapagod sa mga nangyayari.   Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa magandang labi nito. "Jeanna de Lara. Hinding-hindi ako magsasawang ulitin 'to." Naglakad ito papalapit sa kanya at maingat na hinawakan ang kanyang pisngi. "You are marked as mine. I own you. Mine only, mine alone. Mine."   Doon na siya napaluha.   Wala na siyang magagawa. Wala na siyang kawala. Wala na siyang takas.   She's owned by the devil—and she knows that perfectly.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
970.5K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
444.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.3K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.5K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook