[SHEYMIE]
PINAGMAMASDAN ko ang kasama kong katulong habang nakatingin sila sa labas kung saan matatanaw mo ang malaking swimming pool ng mga amo ko. Nagpupunas ako ng mga naka-display sa sala habang ang tatlong katulong ay kilig na kilig na nakatingin sa labas tila may tinitingnan sila doon na nakakakilig. Ang mga iyon ay hindi nalalayo sa edad ko. Gusto ko sanang lapitan at alamin kung anong dahilan ng kasiyahan nila ngunit baka sabihin nila tsismosa ako. Ang alam ko lang kasi naliligo si Sir Daren at mga kaibigan nito sa pool.
"Sheymie!" tawag sa'kin ni Aling Vivian ang mayordoma sa mansyon. Agad kong inihinto ang ginagawa ko at lumapit ako sa kanya.
"Bakit po?"tanong ko sa kanya.
"Tulungan mo akong dalhin ang meryenda nila Sir Daren—
"Kami na ang magdadala!" nag-uunahang sabi ng tatlong katulong na nakatingin kanina sa labas.
Umarko ang kilay ni Aling Vivian at namaywang. "Hindi pwede! Ang kikire n'yo mamaya magkalat pa kayong tatlo diyan," ani Aling Vivian.
Yumuko ang tatlo. "Kami na po ang magdadala ng meryenda sa kanila Aling Vivian," ani Gagay.
Pinanlakihan sila ng mata ni Aling Vivian. "Sabi ng hindi pwede. Nakalimutan n'yo na ba ang rules? Bawal mag fangirl!" sinadya pa ni Aling Vivian na lakasan ang boses para marinig ng tatlo.
"Opo," sabay-sabay nilang sabi.
Bawal mag-fangirl? Ito talaga ang rules na ito ang hindi ko naiintindihan. Gusto kong itanong kung ano'ng fangirl pero nahihiya ako dahil baka sabihin nila hindi ako nakakaintindi ng basic english.
"Sheymie, tulungan mo akong bitbitin ang mga pagkain." Pag-uulit ni Aling Vivian.
Tumango ako at pagkatapos binitbit ko ang isang tray na may lamang juice at mga baso. Pumunta kami ni Aling Vivian sa may swimming pool kung saan naroon ang mga bisita ni Sir Daren na tatlong lalaki at dalawang babae na pawang kasing edad niya.
"Sir Daren mag meryenda muna po kayo," sabi ni Aling Vivian.
Inilapang namin ang pagkain nila sa maliit na table kung saan malapit sa pool. Pagkatapos nilagyan namin ang mga baso nila ng juice.
"Dito ka muna Sheymie, maraming utos ang mga 'yan," sabi ni Aling Vivian.
Tumango ako at pagkatapos nakayuko ako sa kanila habang sila ay kumakain ng meryenda. Umahon na kasi silang lahat at nagmeryenda na sila. Ayoko silang tingnan dahil baka sabihin nila nag fangirl ako. Iyon yata ang ibig sabihin ng fangirl 'wag silang titingnan. Napansin ko kasi doon sa tatlong katulong tinitingnan sila kaya nagalit si Aling Vivian sabi 'wag daw mag fangirl.
"Bago n'yong katulong Daren?" tanong ng lalaki na nakasuot ng kulay red and blue na boxer short.
"Yeah, bago naming katulong." narinig kong sabi ni Daren.
"Maganda siya pwede siyang maging artista," sabi pa nito.
"She's stupid." sagot ni Daren.
"Mutchacha, pakikuha nga ng shades ko doon." turo pa ng sexy na babae sa dulo ng pool.
Tumango at pagkatapos nakayuko ako habang naglalakad papunta sa dulo ng pool ngunit bigla naman akong pinatid ng isang babae kaya naman sumubsob ako. Narinig ko ang malakas na tawanan nilang lahat nang tingnan ko si Sir Daren ay seryoso ang tingin niya sa'kin habang umiinom ng juice. Mabilis akong tumayo at humarap sa kanila "Sorry po,"
Hindi naman ako anghel para hindi makaramdam ng inis at galit sa babaing pumatid sa'kin. Gusto ko nga siyang sabunatan pero dahil katulong ako wala akong magawa kung hindi ang makisama sa kanila.
"Sheymie, 'wag ka ng umalis dito ka na muna." ani Daren sa'kin.
"Sige po Sir." Nakatayo ako sa tabi niya habang naghihintay ng pag-uutos niya.
"What a nice name," kumento uli ng lalaking naka-red blue na shorts
"Sheymie hiludin mo ang likod ko para matanggal ang libag ako" ani Daren.
Hindi ko alam kung part pa siya ng trabaho ko ang paghilod ng libag niya, pero dahil kailangan ko ng malaking sahod. Susundin ko na lang 'wag lang siyang gagawa ng hindi maganda dahil makikita niya ang anak ni Jackie Chan sa katauhan ko.
"Be gentle." ani Sir Daren.
Dahan-dahan kong hinilod ang likod niya namumula na nga ito dahil sa kakakudkod ko.
"Don't tell me, sa pool ka maglublob? Nakakadiri ka Daren." sagot ng babae na tumisod sa'kin.
"Of course not, Sheymie kunin mo ang hose at buksan mo ang tubig sa gripo at bigay mo sa'kin," aniya.
Ang tinutukoy niya ay hose na ginagamit sa halaman ngunit nang hilahin ko ang hose papunta sa kanya ay hindi umabot sa kanya. "Sir Daren hindi po umabot," sagot ko.
"Use your head." sabi niya.
"Use your head?" saglit akong nag-isip kung paano ko magagamit ang ulo ko para umabot sa kanya ang hose pero wala talaga akong maisip na magandang paraan. "Bahala na nga," Binasa ko ang ulo ko ng basang-basa pagkatapos ay nakayuko ako nang tumakbo papunta kay Sir Daren. "Bilis Sir. Habang natulo pa," tinapat ko sa likod niya ang buhok ko at piniga ang buhok para bumuhos ang tubig sa likod niya.
"What the hell are you doing!" sigaw ni Sir Daren sa'kin.
Nagtawanan ang mga kaibigan niya na halos mamatay na sa kakatawa.
"Sabi n'yo use your head, ginamit ko po ang ulo para makarating sa'yo ang tubig."
"Stupid! ang sabi ko gamitin mo ang utak mo para makarating sa'kin ang tubig sa gripo," bakat na ang litid niya dahil sa galit sa'kin.
"Sir. Hindi naman po kasi use your head ibig sabihin no'n. Use your mind. Hala si Sir stupid," balik ko sa kanya.
Halos hindi na makahinga sa kakatawa ang mga kaibigan ni Sir Daren sa pag-uusapan namin. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa sa pinag-uusapan namin samantalang halos matanggal na ang tutuli ko sa sigaw ni Sir. Daren.
"Oo nga naman, use your mind kasi ang tawag do'n, Daren, Hahaha!" sabi ng isang lalaki na nakasuot ng black boxer shorts.
"Get out of my sight!" sabay turo ni Sir Daren ng entrance door.
Yumuko ako. Dapat ganyan siya magsabi may kasamang turo para naiintindihan ko ang sinasabi niya. Pumasok ako sa loob ng mansyon na basa ang buhok. Napansin naman 'yon ni Aling Matilda. "Bakit basa ang buhok mo?"
"Galing 'yan doon sa pool," sagot ni Aling Vivian. Pailing-iling siya nang tumingin sa'kin. "Nag-umpisa namang mam-bully si Sir Daren," ani Vivian pagkatapos ay bumalik sa kusina.
"Punasan mo ang buhok mo at magpalit ka ng damit," ani Matilda.
"Sige po,"
Pagpasok ko sa kuwarto sumunod ang tatlong katulong sina Gagay, Edan, Agatha.
"Sheymie, ang swerte mo nakita mo sa personal ang mga crush namin." ani Gagay na kilig na kilig.
Pinunasan ko ang buhok ko. "Sino ba doon ang mga crush n'yo? Artista din ba sila?" tanong ko. Ang sabi kasi ni Aling Vivian ay mga artista raw ang mga amo namin maging si Sir Daren ay artista, hindi lang artista sikat na artista raw.
"Ano ka ba naman Sheymie, bakit hindi mo alam kung artista sila? Saang probinsiya ka ba nang galing bakit wala kang alam," ani Eden.
"Walang telebisyon sa'min paano ko malalaman na artista sila. Doon naman sa dati kong amo hindi kami pinapayagan magbukas ng telebisyon at kahit makinig ng radyo,"
"Aysus! Kaya naman pala outdated ka." Agatha.
Kumumot-noo ako. "Ano 'yung Outdated?"
Napakapamot ng ulo si Agatha. "Outdated, hindi mo nalalaman mga bagong nagyayari sa mundo kaya kung magugunaw mundo ikaw ang unang mamatay kasi wala kang alam," paliwanag ni Agatha.
"May papakita ako sa'yo, Sheymie." Binuksan ni Gagay ang android phone niya at ipinakita ang mga ng larawan ng mga tao sa swimming pool.
"Ang tawag sa kanilang lahat ay– the olympus guardians. Ito sila," sabay turo sa'kin ni Gagay. "Yung lalaking nakasuot ng red-blue boxer short, chinito at mistiso siya Dyroth Assino. Ka-m.u niya yung babae na kulay pula ang buhok si Dollie,"
"Dollie pala ang pangalan ng babaing 'yon sobrang sexy niya."
"Model 'yon ng isang sikat na magazine pang labing walo sa pinaka-sexy siya sa pilipinas," dugtong ni Gagay.
"Alam mo Sheymie, mas maganda ka ba kay Fancie,"sabad ni Eden.
"Sino naman si Fancie?" tanong ko.
"Si Francie yung babaing mahaba ang buhok na black na two piece. Take note na-link siya kay sir Daren," ani Gagay.
"Francie pala ang pangalan ng pumatid sa'kin," sa isip-isip ko.
Ang dami nilang binabanggit na pangalan sa'kin. Hindi naman ako interesadong malaman kung sino sila dahil hindi ko naman sila boss.
"Ano'ng pinag-uusapan n'yo diyan?" boses 'yon ni Aling Matilda.
Isa-isa silang lumabas at naiwan ako dahil pinupunasan ko ang buhok ko ng towel.
"Pumasok po sila bigla rito," paliwanag ko.
"Pinapatawag ka ni Sir Daren," ani Aling Vivian.
"Bakit po ako? Nakakatakot po si Sir Daren naninigaw."
"Wala tayong magagawa dahil ikaw ang gusto niyang utusan. Sumunod ka na lang kaysa mawalan ka ng trabaho."
Tumango ako. "Sige po," pagkatapos kong punasan ang buhok ko ay nagpalit ako ng maid uniform mabuti na lang marami binigay sa'min na uniform.
Pumunta ako sa kuwarto niya dahil sarado ang pinto at marahan akong kumatok ng pintuan. "Sir! Sir!"sabi ko habang kumakatok ako sa pinto niya. Hinawakan ko ang seradura at nalaman kong bukas pa ito. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid niya. Kinapa ko ang switch ng ilaw at binuksan ko iyon. Pagkatapos naglakad ako para hanapin siya. Kung bakit naman kasi parang bahay ang kuwarto niya. Nakarinig ako ng ingay doon sa tapat ng malaking telebisyon niya kaya lumapit ako. Ngunit bigla akong napasigaw ng makita ko ang pinapanood niya.
"Ay, kalabaw!" napatalikod ako. Para akong hihimatayin nang makita ko ang pinanood niya. First time kong makapanood ng palabas na porn. Ito yata ang pinapanood ng dati kong amo kapag mag-isa sa kuwarto. "B-Babalik na lang po ako Sir." Ihahakbang ko pa lang ang mga paa ko palabas tinawag na niya ako.
"Sheymie!"
Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Ganitong-ganito ang eskena noon ng dati kong amo nang tangkain akong gahasain. Kaya ayoko talaga na pumapasok sa loob ng mga amo ko.
"S-Sir. Daren?" nauutal kong sagot.
"Come here," sabi nito habang abala ang mga mata sa pinapanood na porn.
"May phobia na ako sa salitang come in. Lord, kayo na po ang bahala sa'kin," dasal ko.
Kung maglakad ako ay parang si Lotus feet sa palabas ni Feng shui, iyon lang ang pelikula na napanood ko sa bahay nila Zhia. Takot na takot ako sa maaring gawin sa'kin ni Sir. Kahit guwapo siya at mayaman. Hindi ibig sabihin na okay lang na butasin niya ako.
"S-Sir, ano po ang kailangan n'yo?" Gusto kong maiyak habang nagsasalita ako.
"Come closer to me, bakit ba ang mo layo sa'kin?" Inis niyang sabi.
"Ito na ang second sign: Ang magagalit na walang dahilan." bulong ko.
Lumapit ako sa kanya na halos isang pulgada na lang ang layo naming dalawa. "S-Sir, bakit po?" gusto kong maihi sa takot dahil baka pagsamantalahan niya ako.
Tinitigan niya ako ng masama kulang na lang bumulagta ako sa tingin niya.
"Third sign: Matalim kung tumingin." sa isip-isip ko.
"May epelessy ka ba?" Inis niyang sabi sa'kin.
"W-Wala po?" Hindi ko mapigilang mangatal dahil sa takot.
"Bakit nanginginig ka? Baka bumula bibig mo rito nakakadiri ka mahal ang carpet ko,"
Ito yung wala sa sign, 'yun mas concern pa siya sa carpet niya.
"A-Ano po ang kailangan n'yo sakin?"
Umupo ka rito sa tabi ko," pinagbag pa niya ang tabi niya. "Sit here," sabi niya.
Hindi ko siya sinunod. Umupo ako sa harapan niya para mabilis akong makatakbo.
Salubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin. "Ano'ng ginagawa mo?"
"Sabi niyo po umupo ako,"
"Bobo ka ba? Sinabi ko dito ka sa tabi ko umupo," sigaw niya.
Mabilis akong tumayo at tumabi sa kina-uupuan niya at tumingin sa kanya. "Sir. Hindi pa ako naliligo. Amoy putok po ako, wala pang hugas kipay ko, may regla po ako, huwag n'yo akong pagsamantalahan, please! please po!"
Salubong ang kilay niya. "What are you fuckin saying? You're disgusting. Uminom ka ng gamot sa kahibangan baka kinulang ka. Kadiri!"
"H-Hindi n'yo ako gagahasain?"
"Why would I do that? Kadiri!"
"Talaga Sir! Thank you!" sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya. "Ay, sorry!" sabay layo ko ng bahagya.
"Paano mo ako mamasahihin kung amoy bagoong ka?" sabay taas ng kilay niya.
Bigla akong nahiya sa sinabi ko kanina. Hindi naman totoo ang sinabi ko kanina. "Ah, E—joke lang po 'yon. Sinabi ko lang po 'yon para mandiri ka sa'kin Sir." patawa-tawa pa ako.
Sumimangot siya sa'kin. "Bakit mo naman naisip na may gagawin akong masama sa'yo?"
"Yung dati ko po kasing amo muntik na akong pagsamantalahan. Mabuti na lang po at bago pa may gawing masama sa'kin nahuli kami ng asawa niya. Kaya lang akala ng amo kong babae ako ang kabet ng asawa niya. Kinaladkad ako palabas ng bahay nila. Kaya may phobia po ako pasensiya na,"
Natahimik ang siya. "Bakit hindi mo nireklamo?" seryoso siyang nakatingin sa'kin.
"Pambili nga ng bigas wala ako pagkatapos rereklamo ko pa siya. Mabait pa rin si God kasi hindi niya ako pinabayaan. Ano po ba ang gagawin ko?"
"Kunin mo ang lotion na 'yon at i-massage mo ako," aniya.
Humiga siya paharap sa pinapanood niya habang mina-massage ko ang likod niya. Nagkamali rin ako sa pinapanood ni Sir. Daren akala ko porn kasi kanina nakita ko may babae at lalaki nagse-s*x. Hindi pala porn, romance love story pala 'yon.
"Lower!" utos ni Daren sa'kin habang minamassage ko ang likod niya.
"Sir. Daren baka puwet n'yo na mahilot ko," pakiramdam ko masusunog ako dahil nag-iinit ng pisngi ko.
"Basta ibaba mo." utos niya.
Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob. "Bahala na si Tarzan," sa isip-isip ko.
Nilagyan ko ng maraming lotion ang likod niya pagkatapos ay ibinababa ko ang kamay ko hanggang sa mahawakan ko ang puwet niya at minasahe ko 'yon.
"f**k!" biglang napabangon si Sir Daren. Pulang-pula ang mukha niya nang tingnan ko siya.
Tiningnan ko ang dalawa kong kamay. "My gosh! Hindi na virgin ang kamay ko nakahawak na ng puwet ng lalaki."
"B-Bakit mo hinawakan ang puwet ko?" Daig pa ni Sir Daren na nagbabad sa araw dahil namumula mukha niya.
"Ang sabi n'yo kasi lower. Puwet po kasi ang ibaba ng likod n'yo."
"Lower sa may hita, tuhod, talampakan! Hindi puwet."
Napakamot ako sa ulo. "Hindi n'yo nilinaw ang utos n'yo e, akala ko sa puwet." sagot ko pa.
Ibinalot ni Sir Daren ang katawan niya at tumayo siya pagkatapos nagsuot siya ng boxer short pagkatapos dumapa ulit. "Lower sa pinaka-baba." Pag-uulit niya sa'kin.
"Yes, Sir!" sagot ko.
Muli ko siyang hinilot sa may binti, tuhod at maging talampakan maging ang mga daliri niya ng paa niya ay hinot ko. Sabi niya kasi hanggang baba.
Isang oras ang lumipas nang matapos kong hilutin ang buong katawan ni Sir Daren. Pagkatapos ko siyang hilutin ay lumabas ako ng kuwarto niya. Ang sakit ng katawan ko dahil sa kakahilot sa kanya. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Naroon si Aling Vivian at Aling Matilda.
"Tapos ka ng utusan ni Sir Daren?" tanong ni Aling Vivian. Nagbabalat silang dalawa ng gulay para mamayang gabi na lulutuin.
Tumango ako. "Nakakapagod, isang oras siyang nagpa-massage. Tulungan ko na po kayo,"
"Huwag na kumain ka na muna. Umpisa pa lang 'yan ginagawa mo sana hindi ka sumuko,"
"Bakit naman ako susuko? Ang salitang 'yan ang hindi ko dapat sabihin." sabi ko pa.
"Maganda 'yan, Sheymie. 'wag susuko para sa pamilya mo." ani Aling Matilda.
"Opo, gagawin ko lahat para sa pamilya ko."
Kumuha ako ng pagkain at nakikipagkwentuhan ako sa kanila. "Si Sir Daren po ba ay sobrang sikat?" tanong ko sa kanila.
"Sobrang sikat, bihira mo lang 'yan makita rito sa bahay kaya kapag nasa bahay siguradong pagod na pagod ang mga katulong sa kanya ang dami niyang pinapautos." sagot ni Aling Vivian.
"Sinumpong nga ako ng rayuma diyan kay Daren dahil sa kaka-utos niya, akyat panaog ako mula sa kusina hanggang sa kuwarto niya," ani Aling Matilda.
"Mag-simula ka ng manood ng Tv para hindi ka mahuli. Maraming bagay na ngayon ang lumalabas dapat may alam ka pa rin kahit papaano." ani Aling Vivian.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa kuwarto namin at nakita ko si Gagay, Eden, Agatha na nanonood ng tv. Lumapit ako sa kanila at tumabi sa pagkaka-upo.
"Shyemie, ito 'yung sinasabi namin na palabas nila sir Daren." ani Gagay.
Sumabay ako sa panonood sa kanila at nalaman kong ang mga kasama ni Daren sa swimming pool ay mga kasama niya sa palabas sa teleserye nila. Doon ko nalaman na artista talaga siya. Magaling silang artista pero ang pumukaw sa puso ko ay si Dyroth Assino. Siya yung lalaking nakasuot ng red-blue boxer shorts.
"Gagay, mukhang crush ni Sheymie si Dyroth," ani Eden.
"Hoy, Sheymie, 'wag mo'ng agawin ang asawa kong si Dyroth, doon ka na lang kay Sir Daren." ani Gagay.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. "Talaga Asawa mo si Dyroth Assino? Bakit hindi kayo magkasamang dalawa?"
Ang lapad ng ngiti ni Gagay. "Yes, Asawa ko siya."
Bigla akong binatukan ni Eden. "Gagi!"
"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko. "Bakit mo ako binatukan?" inis kong sabi.
"Para kasing tanga? Niloloko ka lang niyan ni Gagay, naniwala ka na? Sa tingin mo papatol si Dyroth Assino sa isang hito?" ani Eden.
"Hoy, Eden, hiyang-hiya naman ako sa pagiging unggoy mo kung tawagin mo akong hito," sabay irap ni Gagay.
Halos manakit naman ang tiyan ni Agatha sa pakikinig sa dalawa. Ako naman ay pinapatuloy ang panonod ng palabas nila Daren. Hindi talaga mawala sa isip ko ang mukha ni Dyroth. Kahit kontrabida siya palabas nila sa tv, sa personal mabait naman sila.
"Sheymie!"
Sabay kamin lumingon sa boses ni Aling Matilda.
"Bakit po?"
Nagising na si Sir Daren. Hinahanap ka, puntahan mo baka magalit 'yon kapag tumagal ka pa.
"Naku, Sheymie, umpisa na ng kalbaryo mo sana tumagal ka talaga," ani Agatha.
Kakamot-kamot ako sa ulo. Hindi pa ako nakaka-recover sa sakit ng katawan may bago naman siyang utos.
"Lord, bigyan n'yo po akong lakas ng pangangatawan," dasal ko habang papunta ako sa bossy kong amo.