3rd Person's POV; Nang makauwi ng bahay si Cairo mabilis itong kumuha ng hagdan galing sa garden at kinuha ang maliit na CCTV na nakakabit sa pinakataas sa gilid ng kusina kung saan kitang kita ang buong kabahayan maliban sa mga loob ng kwarto at kusina. "Lets see." Bulong ng binata bago umupo sa dining table at buksan ang laptop na nakapatong dun. Habang kinakalikot ang laptop hindi maiwasan ni Cairo na makaramdam ng sobrang kaba dahil sa sinabi ni Ian. FLASHBACK "S-Sa tingin ko kasi minamaltrato ni Kace si Kaid---" "Cairo!"sigaw nina Wallace ng kwelyuhan ng binata ang lalaki. "Imposible yang sinasabi mo!alam kong alam mo kung paanong iniingatan ni Kace si Kaide." Nanggigil na sambit ng binata na kinalambot ng ekspresyon ni Ian. "Kaibigan ko si Kace alam ko yun...naiintindihan ko