bc

(Filipino) Heaven Sent

book_age16+
923
FOLLOW
9.4K
READ
forbidden
age gap
forced
second chance
playboy
drama
bxg
heavy
cheating
self discover
like
intro-logo
Blurb

All I can tell you is it's a very complicated story. It depends on you to read the chapters in their book or not.

chap-preview
Free preview
One
              "Ano ba yang pinagkakaabalahan mo? Buong hapon ka ng nakatitig diyan sa computer mo."                 Tinaas ko ang tingin para sulyapan ang kapatid kong kakapasok lang ng kwarto ko. Binaba niya ang dalang snacks na inutos ko sa kanya kanina.                 "I'm looking for a job." sagot ko. "Actually, I am applying for a job online."                 Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang nasa computer. She read the resume letter I just wrote. Kahapon pa ako naghahanap ng trabaho. Ang hirap pala lalo na sa tulad kong second year college na at wala pa ring kahit isa man lang experience sa kahit anong trabaho. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat, di ko sana sinayang yung buhay ko kakaaral at kakamukmok sa kwarto.                 Kinunutan ako ni Zaila ng noo. "Bakit ka naman maghahanap ng trabaho? Kung sakaling matanggap ka nga, hindi ba mahirap sayo na i-balanse ang pagtatrabaho at pag-aaral?"                 I faked a smile. Binasa ko ulit ang nilagay ko sa resume ko. Am I being too cocky? Too modest? Baka masyado nang oa ang mga sinulat ko sa skills section?Ewan. Noong isang araw ko pang sinusubukan toh pero wala naman akong natatanggap na reply mula sa mga kompanyang pinaga-applyan ko. I really suck at everything.                 "Mag-focus ka na lang kaya sa pag-aaral mo? Ilang taon na lang naman ay gagraduate ka na. Masyado kang atat, ate."                 Huminga ako ng malalim. "Hindi mo pa kasi naiintindihan, Zaila. Iba na ang takbo ng lahat ng bagay. I am not..." tumikhim ako. "I am not dad's legitimate daughter. Since my mom and dad broke up, alam kong wala ng patutunguhan ang buhay ko kung hindi ako mismo ang aaksyon para makamit ko lahat ng pangarap ko. Narinig mo ba ang pag-uusap nila kahapon? I know hindi ko dapat sinasabi toh sayo but your mom... Your mom's complaining. Para sa kanya isa lang akong pabigat. You won't understand kasi kompleto yung pamilya mo. Your mom's a bitch and hindi ko kayang tumira sa iisang bahay kasama siya. I'm sorry sa sinabi ko pero nagsasabi lang ako ng totoo."                 Tumahimik si Zaila. She's used to me talking shit about her mother. I just really don't like my step mom. Kung umarte kasi akala mo siya yung unang asawa. Sarap sapakin sa mukha. Noong una ko siyang makilala, ang bait pa niya. Akala mo kung sinong anghel, may padala-dala pa ng mga pagkain sa bahay pero nung kinasal na sila ng tatay ko at magkaanak, lumabas din ang sungay. Feeling reyna, di naman niya bahay.                 I liked her before. But now? Gusto ko na lang sapakin ang pagmumukha niyang plastik. Tama talaga yung kaibigan ko nang sinabi niya na mabuti lang sa simula yung mga tulad niya.                 But I'm not complaining or anything. Naglalabas lang ako ng sama ng loob. Plano ko na rin namang umalis dito. Pagod na akong magtimpi sa kanya at sa mga pagpaparinig niya.                 "So you're... Leaving?" matamlay na tanong ni Zaila.                 "Pag nakahanap na ako ng trabaho. Wala pa akong pera ngayon."                 Niyakap niya ako. "Wag ka umalis ate please? Hayaan mo na lang si mama. Titigilan ka rin nun."                 I rolled my eyes. "That's never gonna happen. Wag kang mag-alala, bibisitahin naman kita minsan minsan pag umalis na ako rito."                 Magsasalita sana siya but I stopped her. A new email popped up in my computer. Agad kong kinlick iyun at tiningnan kung saan iyun nanggaling.                 Nanlaki ang mga mata ko ng makitang mula iyun sa isang kompanyang sinendan ko ng resume ko noong isang araw. It's the Electrum. It's a tech company. They make games and apps and anything that has to do with electronics and technology and... And they are very well known in the whole fucking ASIA!!! A very famous gaming industry.                 "Oh god... Oh god... Oh god..." nawawala na ako sa sarili dahil sa excitement at sayang nararamdaman.                 "What is it? May trabaho ka na ba?"                 Binasa ko ulit ang email na nasa harap ko. "I... Zaila!! Zaila!!! Bukas... I have an interview with Electrum!!!"                 Niyugyog ko ang balikat ni Zaila. Hindi ko maipaliwanag ang saya and excitement na nararamdaman ko. Alam ko na marami pa akong kailangang patunayan para matanggap sa kompanyang toh but they gave me a chance! Hindi lahat ng nagse-send ng resume sa kanila ay nabibigyan ng pagkakataong ma-interview as an applicant. This is a big opportunity for me!!                 "It's only a job interview, Ally. Akala ko naman natanggap ka na." wika ni Zaila.                 Nginusuan ko siya. "Hindi mo alam yang sinasabi mo. Do you even know Electrum? They're not just an ordinary company. Kilala sila sa buong Asia. Yang software na ginamit diyan sa phone mo ngayon? They created it. Those famous video games and social sites they created all those things... This is not just a job interview. This is an opportunity!"                 Niyakap ko si Zaila. Pinilit niyang makawala. God, thank you. Thank you for the opportunity. Hindi ko toh pakakawalan promise. I will give my best matanggap lang sa trabahong toh.                 Hanggang gumabi ay hindi pa rin nawala ang excitement na nararamdaman ko. Inayos ko na yung susuotin ko para sa interview ko bukas. Nagpatulong ako kay Zaila sa preparation ko. Nagpractice ako nang interview. This will be my first job interview at kung suswertehin ako, my first job. I'm not really a pro sa programming but I can say naman na nage-excel naman ako sa klase namin.                 Where in the dinning room. Kung normal na gabi ito, hindi ako sasama sa kanila na kumain at mas pipiliin kong kumain mag-isa pagkatapos nila but tonight is different. Who knows? Eto na pala ang huling gabi na makakasama ko sila. Mas mabuti kung hindi nila makakalimutan ang pagmumukha ko oras na umangat ako sa buhay. I will make sure they'll regret blowing me off.                 "Nag-enroll ka na ba sa University?" biglang tanong ni daddy habang kumakain kami.                 Umiling ako. Hindi ko tinaas ang tingin para tingnan siya o yung asawa niyang bruha. I really hate her. Kahit ano pang gawin niya ay hindi na talaga mawawala ang inis ko sa kanya.                 "Malapit na ang pasukan. Magpa-enroll ka na. Pasasamahan na kita kay Zaila."                 Napataas ako ng tingin. I looked at Zaila. Seriously? I'm seventeen. Hindi na nila ako kailangang pasamahan.                 "Baka naman balak tumigil muna nitong si Ally. I heard from Zaila na naghahanap ka raw ng trabaho? That's a good thing. Alam mo kasi Ally--"                 Malakas na tumikhim si daddy para pigilin sa pagsasalita ang walang kwenta niyang asawa. "You're looking for a job?"                 Napakuyom ako ng kamao. Pinanliitan ko ng mata si Zaila. Iniwas niya lang ang tingin sa akin.                 Huminga akong malalim. "I'm not looking for a job. Nagre-research lang ako ng mga kompanyang maaari kong pasukin sa ojt ko next year. Our professors told us na maghanda-handa na habang malayo pa."                 Tumango ito. "That's good. Kung wala kang mahanap maaari kitang ipasok sa kompanyang tinatrabahuan ko."                 Umiling ako. "I'm fine. I can handle myself but thank you for the offer."                 Bumalik na ako ulit sa pagkain. Sinulyapan ko ang step mom ko. I can see that she's pissed off. I'm sure mag-aaway na naman sila mamaya. She's really a bitch. My dad's very stupid para ipagpalit ang nanay ko sa babaeng tulad niya. Careless and stupid.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook