TMP20: You Found Me Walang nagawa si Darcy kong di ang tumahimik, wala siyang laban sa binata, ni ayaw naman siya nitong pakinggan, nagtatalo lang sila tungkol sa katauhan niya at ang kay Mychaela, ilang beses niyang denipensahan ang sarili niya at pinapaliwanag na magkaiba ang dalawang taong nakilala ng binata, pero wala na ata siyang ipapanalo sa binata lalo na kong iba ang paniniwala nito tungkol sa kanya. Nahihirapan na siya, gusto na niyang bumalik sa mundo niya, naalala niya bigla si Arkin kong hinahanap ba siya ng binata, napapikit na lang siya nang maalalang mahirap makalabas sa lugar kong na saan siya. Dinala siya ni Louise sa isang silid sa bahay, kalahating oras na rin siyang nakaupo doon, palibot-libot, naghahanap ng paraan kong makakaalis pa ba siya doon, katulad ng dati w