TMP24: Somewhere in Neverland Nawala ang pasong nararamdaman ni Darcy nang mawala din ang pagkakahawak sa kanya ni Gino pero wala na siya sa mataong lugar, nakaupo na siya sa mala-gubat na lugar pero hindi katulad ng nakita niyang kaninang kakaiba, kahit na may mga punong kakaibang tayo, maluwag at hindi ga’anong marami ang na andoon, marami siyang nakikitang kakaibang bulaklak, napasinghab siya sa gulat nang may lumapit sa kanyang kakaibang insekto pero hindi niya alam kong anong pangalan, animoy taong maliit na kasing laki ng hintuturo niya at may pakpak sa likod. Huminto ito sa harapan niya at kita niya ang ngiti nito sa kanya, mas lalo siyang nagulat nang dumami ang mga ito. May iba’t ibang suot na cute na cocktail dress pero walang saplot sa paa niya, tumayo siya, kinumpas niya ang