TMP12: The Old House Katulad ng dati magigising siyang wala nang saplot dahil nagkalat na ito sa sahig at higit sa lahat iiwan na siya ni Arkin, ang bago lang sa paggising niya ay ang isang sobre na kulay itim at may ribbon na pula sa pagitan nito. Agad na umupo si Darcy sa kama niya, kinuha ang sobre at kinuha ang laman nito. Isang piraso ng papel at nakasulat sa papel na ‘yon ang isang address ng lugar. Tinignan pa ni Darcy kong may nakasulat pa sa likod ng papel at hindi nga siya nagkamali dahil may iilang nakasulat na salita doon. Darcy, Pumunta ka sa lugar na nakasulat sa papel na ito, baka ikaw mismo ang makahanap ng sagot. May ilang kasagutan na ako sa tanong mo, pero mas maganda kong ikaw mismo ang makaalam, libre kang makakapasok sa bahay na ‘yon, wag kang mag-aalala nasa palig