TMP18: Dementia Tumigil muna sandali si Louise sa labas ng mansyon, gusto niyang gumanti pero alam niya sa kanyang sarili na malayong-malayo sila ng kaibigan niyang si Arkin, hindi siya lalaban, pero sa huling sinabi ng kaibigan niya halos manggigil siya, namumuo ang galit niya sa puso mula sa kanyang ulo na animoy kumukulong tubig na gusto nang makawala sa kanya, iniisio niyang sa kanyang lang si Mychaela, 'paano siya nagkagusto kay Mychaela, akin lang siya, alam kong mahal parin ako ni Mychaela.' Bawat pagsagi ng isipan niya ang pangalan ng dalaga dahan-dahan naman lumalambot ang puso niya, para bang dahil sa pangalan na 'yon ay pinapakalma siya at makapag-isip ng maayos. Naalala pa niya noong una niyang nakita Darcy, akala niya namamalik mata lang siya dahil parehong-pareho ito ni Myc