Chapter 3

1198 Words
TMP3: Black Letter Tulala si Darcy sa sala habang nakaupo simula nang makapasok siya sa loob ng bahay niya, hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya, kong nanaginip lang ba siya o may kakaiba na talagang nangyayari sa kanya. Nagulat naman siya nang may kumatok sa pinto kaya agad siyang lumapit doon, kapit-bahay lang niyang matandang babae ang nakita niya, nakangiti ito sa kanya habang may hawak na sobreng itim sa dalawa nitong kamay. “Sabi ko na nga ba andito kana, narinig ko kasing nagbukas ang pinto ng bahay mo. May nagpapabigay pala sayo nito, mukhang importante.” Inabot ng matandang babae ang sobre na agad niyang kinuha. Aalis pa sana nang pigilan ni Darcy ang matanda, “pwede po bang matanong kong kanino galing o ano ang itsura ng naghatid sayo nitong sobre?” Sandaling natigilan ang matanda at kumulobot ang noo nito dahil sa pagkunot dahil sa pag-iisip, “ah oo isang binata ang nagbigay sa akin niyan.” Ang dalaga naman ngayon ang natigilan sa kanyang narinig, ‘isang binata?’ tanong niya sa kanyang isipan. “May katangkaran siya, tama lang ang ayos, puros itim ang kulay ng damit na suot niya,” ngumiti ang matanda na animoy kinikilig, “perpekto ang mukha niya at pati ang pananalita pwede na nga siyang sumali sa pag-aartista. Baka nobyo mo siya iha, sinabi ko kasing umaalis ka pagtuwing umaga kaya hindi ka niya maabutan.” Pagpapatuloy ng matanda sa kanyang kwento. ‘Puros itim ang kulay ng damit na suot niya?’ Tanong muli niya sa kanyang isipan. “Iha,” tawag ng matanda sa kanya, hindi niya alam kong ilang segundo o minuto siyang nakatulala sa mukha ng kaharap. “Ayos ka lang ba, namumutla ka?” Hindi alam ni Darcy kong ano ba ang nangyayari sa kanya basta ang alam niya nakakaramdam siya ng kakaibang kaba at kabog ng dibdib niya. “Wala po ito, ayos lang ako, salamat po uli.” Paalis pa sana ang matanda at binigyan siya ng ngiti, “sige magpahinga kana, baka dumaan uli yong binatang ‘yon dahil madalas ko siyang nakikitang nakatayo sa tapat ng pinto mo. May away ba kayo kaya hindi siya makapasok? Parang sa mag-asawa yan hindi magandang hindi pinapatagal.” Takot naman ang lumamon sa buo niyang pagkatao sa kanyang nalaman, ‘ibig sabihin binabantayan niya ako, sino siya?’ “Sige iha pahinga kana.” “Wala po akong nobyo.” Muling napaharap ang matanda sa kanya dahil sa bigla niyang pagsabi n’un. Pero hindi parin nawawala ang ngiti nito para sa kanya, “baka kaibigan mo lang iha sige na manonood pa ako ng paborito kong palabas.” Naiwan si Darcy sa tapat ng pinto niya na nakatayo habang pinagmamasdan ang pagsara ng pintong katapat niya na bahay ng matanda, para siyang tumakbo, pakiramdam niya hinahabol siya, taas-baba ang dibdib niya sa kaba, nagmadali siyang pumasok sa loob at muling bumalik sa sala. Nagmadali siyang buksan ang sobre, may kakaibang amoy ang sobre lalo na ang laman nitong manipis na papel na may kakaibang dulas sa kanyang kamay, sa tingin niya isa itong espesyal na papel. Binasa niya gamit ang mga mata at isipan ang mga nakasulat doon. Pinakamamahal ko, Matagal na panahon na simula noong huli nating pagkikita, matagal na rin kitang hinanap, laking pasasalamat ko at nakita na rin kita. Marami akong tanong sa isipan ko dahil parang hindi muna ako nakikilala, ilang beses kitang kinakausap pero parang wala lang ako sayo, kaya sa palagi kitang binabantayan sa sa pagtulog mo. Sa tingin ko may nangyareng hindi maganda sayo kaya hindi mo ako maalala, pero wag kang mag-alala magiging ayos din ang lahat. Buonanotte, mia affetto ed ti voglio bene… Arkin Naniningkit ang mga mata ni Darcy nang matapos niyang basahin ang sulat, “Arkin? Sino si Arkin?” Kinakabahan na siya ng sobra sa nangyayari, pakiramdam niya hindi siya ligtas kahit sa loob ng bahay niya lalo na mag-isa lang siya. Agad siyang tumayo at binitawan ang sulat. Lumapit naman siya sa telephone at nag-dial ng number sa bahay nila, sa tunay niyang pamilya. Tinatap niya ang daliri sa lamesa habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya, “hello.” Pamilyar sa kanya ang boses babaeng ‘yon na medyo paos dahil sa edad, “mama.” Isang katahimikan ang namuo sa pagitan sa kanila lalo na sa isa na sa ina niya, “Darcy,” nanginginig na tawag nito sa kanya. Doon din niya naramdaman kong ga’ano siya nalayo ng mahabang panahon sa pamilya dahil sa sumpa sa tadhana sa kanya. “Ku-kumusta kana dyan anak, akala ko hindi ka na tatawag o magpaparamdam sa amin, patawarin mo ako dahil wala akong nagawa sa problema mo bilang ina para akong walang kwenta---” “Ma, wala kang kasalanan sa nangyayari wag mo nga sisihin sarili mo at saka ayos lang ako dito.” Napabuntong hininga si Darcy hindi naman niya talaga alam o masasabi kong talagang nasa ayos lang siyang kalagayan. “Ayos lang talaga ako mama, sorry kong hindi na ako nagpaparamdam o ano pa man.” “Belated happy birthday anak, miss ka namin ng papa mo.” Sekretong napangiti si Darcy sa kanyang narinig, “may gusto lang akong itanong sa inyo.” “Huh? Ano ‘yon anak?” Nag-aalangan man ang dalaga pero kailangan niyang malaman kong ano ba talaga ang nangyayari, “may nangyari ba sa akin dati na hindi ko alam o kaya na aksidente?” Hindi niya alam kong seseryosohin ba siya ng ina sa tanong niya pero gusto niyang makasiguro. “Wala naman anak, maalagi kami sa’yo ng papa mo kaya imposible yang tinatanong mo sa akin. Bakit may aksidente bang nangyare sayo, magsabe ka lang pupunta kami dyan agad.” Umiling-iling si Darcy, “wala naman po natanong ko lang kasi na curious parin ako sa sumpa na sinasabi ninyo kasi wala naman nangyayaring kakaiba sa akin.” Pero sa totoo lang unti-unti na niyang nararamdaman na may nangyayari nang kakaiba sa paligid niya, gusto man niya ng makakasama pero hindi niya gustong may madamay sa nangyayari sa kanya. “Sigurado ka ba dyan?” “Wala po talaga, gusto ko lang kayong kumustahin kaya ako napatawag. Maraming salamat po, miss ko na rin kayo nila papa at ate, pakisabi na lang na tumawag ako.” Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng ina nang maibaba na niya ito. Bumalik siya sa sala at kinuha ang sulat. Pumasok naman siya sa silid niya at umupo sa tapat ng desktop niya, naisip niyang walang makakasagot ng mga tanong niya kong di siya lang. Binasa niyang muli ang sulat na animoy galing sa matagal na panahon lalo na ang pagkakasulat. Lalo na ang mga salitang hindi niya maintindihan, tinaype niya ito at agad na lumabas ang katumbas na salita ng mga hinahanap niya. “Goodnight, my love and I love you…” Bulong niya sa mga kadakang ‘yon, nalaman din niyang Italian words ang ginamit sa mga salita para hindi maintindihan, lalo siyang nagtaka at napaisip. Napasapo na lamang siya sa kanyang mukha at tumungo sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD