Garrison's P. O. V. Nagtungo ako sa malaking bar dito malapit sa lugar kung nasaan ang hotel ko. Tanging mayayaman lamang ang nakakapasok rito sa mahal ng mga inuming alak at fees. Habang pababa ako ng aking sasakyan, biglang may pamilyar na lalakeng lumapit sa akin. "Garrison, himala nandito ka!" Tumapat ang liwanag sa mukha ng lalakeng ito at laking gulat ko nang mamukhaan ko kung sino ito. Walang iba kundi si Solomon, mabilis na nag-init ang dugo ko nang makita ko itong nakangiti pa sa akin. Namumula ang kaniyang pisngi at mukhang naka-inom na. "What the f*ck is wrong with you?" inis kong sambit. "Mangangamusta sana ako, balita ko kasi may baby na kami ni Eviane?" nakangisi nitong tanong na ikinadurog ng puso ko. Niyukom ko ang kamao ko at handa nang paulanan ng suntok si Solomon