Eviane's P. O. V. Hinihintay ko pa rin ang reply ni Garrison. Linggo na ngayon, simula kahapon ay hindi kami nagkita. Sa totoo lang, nami-miss ko na siya pero hindi pa rin siya nagre-reply sa message ko. Huling chat namin ay kagabi pa. Alas-nuebe na. Ngayon ang oras ng aming massage, naka-schedule kami ng 9 am. Hindi niya rin sinagot ang tanong ko kung nakauwi na ba siya kagabi sa penthouse. Kasama raw niya ang Dad niya at sabay-sabay silang pumunta sa Tagaytay, mayroon daw inasikaso roon. "Hindi ko maiwasang hindi mag-overthink. Sino ba talagang kasama niya roon? Daddy niya o si Azrielle? O baka kasama nila si Azrielle?" Napabuntong hininga ako. Muli akong nahiga sa kama ko at napapikit. Ginawa ko na lang busy ang sarili ko buong araw dahil hindi kami magkasama ni Garrison, naglinis a