Eviane's P. O. V. Pagpasok ko sa building ay kabang-kaba pa ako, dahil 15 minutes late na ako. Sinakbit ko ang aking I.D. habang papasok sa elevator. Pinindot ko ang palapag kung saan located ang office ni Sir Garrison. Nakakapagtaka lang sa kung bakit ba ang mga jeepney drivers, nagpapa-gasolina sila kapag saktong late na ang commuters? Napakamot ako sa aking batok. Pagbukas ng elevator ay nagkagulatan kami ni Bryan, papasok siya ng elevator habang ako ay palabas. Muntik pa kaming magkabunggo. "Eviane, papunta ka na ba sa office ni Sir?" tanong nito at ngumiti nang malapad. "Oo." Tipid akong ngumiti. Lumakad ako palabas ng elevator, akala ko papasok na siya pero hindi, sinundan niya ako sa paglalakad. "Wala diyan si Sir. Kagagaling ko lang diyan, sabi ni Jonathan absent ngayon si S