Garrison's P. O. V. Pagsapit ng hapon, umalis na ang mga reporters sa tapat ng apartment ni Eviane kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pasukin ito. Paglabas ko ng sasakyan ay tumakbo ako patungo sa gate, hindi ito naka-lock kaya nakapasok ako kaagad. Walang masyadong tao, nagmamadali akong umakyat ng hagdanan patungo sa palapag kung nasaan ang kwarto ni Eviane. "Eviane?" sambit ko at kinatok ang pinto ng apartment niya. Napakunot ang noo ko. Nilakasan ko pa ang pagkatok ngunit walang sumasagot. Tinawagan ko si Eviane ngunit hindi na nagri-ring ang cellphone nito. "Wala si Eviane. Nakita ko siyang umalis kanina pa, dumaan sa likod," isang kapitbahay ni Eviane ang lumalabas para kausapin ako. "Anong oras?" tanong ko. "Umaga pa ata no'n." "Okay, salamat." Tumalikod na ako. Maghapon