Garrison's P. O. V. Napadilat ako nang makarinig ng mga kaluskos, sa pagkakatanda ko ay nasa labas ako ng silid ni Eviane ngunit laking gulat ko nang makitang nasa loob na ako ng apartment niya. Napahawak ako sa makapal na kumot na ngayo'y nakapatong sa katawan ko. Hindi ko na rin suot ang aking sapatos. "Did she pull me here? Why am I laying in the floor," bulong ko at napahawak sa aking ulo na kumikirot dahil siguro sa pagod ko kakaiyak. "But she still cares about me..." Napangisi ako. Alam niyang nasa labas ako, kung wala na siyang pakialam sa akin ay sana hinayaan na niya ako roon pero hindi, binigyan niya pa ako ng kumot. Narinig kong bumukas ang pinto mula sa banyo at niluwa nito si Eviane. Gulat na gulat itong napatitig sa akin habang nakaupo ako sa sahig, nag-iwas siya ng tingi