CHAPTER 1 KISSES

1785 Words
  CHAPTER 1 KISSES       Halos maihi si Krista Isabella nang tumama ang kutsilyo sa lintik na kahoy na pinagkakatalian sa kanya. Pangatlong beses na iyon na pinasok niya ang trabaho sa perya bilang target sa isang umiikot na board. Kung akala ng iba ay sa pelikula lang iyon nakikita, pwes malaking pagkakamali iyon dahil nangyayari iyon sa totoong buhay at nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. She needs money. That’s her reason. Gumagatas pa si Czarina at may lagnat nga ang bata kaya dumidilehensya siya ng pera para maipa-check up niya sa private na duktor. Tatlong araw na ang lagnat at naaalarma na siya dahil tumataas iyon ng nasa 40 degrees celcius. She loves her daughter so much and Czarina is her life that’s why she’s willing to risk her own for her daughter’s safety. May sampung kutsilyo pa ang patatamain sa board kaya halos mausal niya ang Ama Namin nang pabaliktad para lang pakinggan siya ng Diyos. “Kisses! Si Czarina isinugod sa ospital ni Aling Magda! Bumaba ka na riyan, babae ka!” Sigaw mula sa umpukan ng mga manonood at natitiyak niya na kay Evelyn ang boses na iyon ng babae. Ano?! Hindi niya malaman kung paano siya bababa sa lintik na spinning wheel kaya sumigaw siya nang malakas. “Pakawalan niyo ako rito! Iyong anak ko!” She yells and wriggles against the tight rope. Kumiwal-kiwal siya nang husto pero hindi siya pinansin ng lalaking tumatarget sa kanya kaya hindi siya tumigil sa pagsigaw. “Idedemanda kita! Ayoko na! Itigil mo na! Pakawalan mo ako letse k—inaaaaay!” Pumikit siya nang batuhin siya ng lalaki at tumama iyon sa pagitan ng mga singit niya. Kamuntik na ang kabuhayan niyang masaling. “Pakawalan niyo ako!” Kisses screamed and in a blink of an eye, Ebs was already on the stage. “Pakawalan mo na, letsugas ka!” Hinampas na ng kaibigan niya ang ulo ng lalaking kalbo gamit ang bag nito saka dumampot ng isang kutsilyo. “Itumba niyo ang wheel mga walang hiya!” dinuro ng babae ang kutsilyo sa mukha ng lalaki kaya napasunod ang mga side kick lalo na nang may sumigaw na lalaki sa mga taong nanonood. “Pakawalan niyo na kung hindi sasabog ang ulo niyo! Pulis ako!” Nagawa pang luminga ng dalaga sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng mamalat-malat na boses na iyon pero buong-buo. Wala siyang nakita na pulis doon pero nagpapasalamat siya sa kung sinong pilato na iyon ang sumigaw, paraan para makatakas siya sa kinalalagyan niya. Kahit na nangangatog ang mga tuhod ay pinilit niyang makapaglakad. “Akin na ang bayad ko!” dumampot si Kisses ng isanlibong piso sa kahon na nasa mesa at mukhang tatalupan siya ng buhay ng lalaki. “Mamang pulis! Ayaw akong bayaran!” sigaw niya kahit na mangiyak-ngiyak siya dahil sa sitwasyon ng anak niya. “Bayaran mo! Ibigay mo lahat!” sigaw pa ng lalaki at ang mga tao naman ay nagsisipag-alisan na kaya ang kahon na mismo ng binitbit niya. Suot pa rin ang costume at may bola pa siya sa ilong ay wala siyang pag-aatubili na hinila si Evelyn papaalis. “Anong nangyari sa baby ko?” Umiiyak na tanong niya sa kumare niya na pinsan pa niya. “Hindi ko alam. Nanlupaypay na lang ‘yong bata kaya nataranta na si Inay. Dinala niya kaagad sa PGH kasi maputlang-maputla at nagkumbulsyon. Bumigla raw ang taas ang lagnat.” Ani Evelyn na ramdam din niya ang nerbyos sa boses nito. Sinong hindi ninerbyusin? Mas natatakot siya sa kundisyon ni Czarina kaysa sa target-in siya nang libong beses sa perya. Pinahid niya ang sipon saka isiniksik ang perang nakuha niya sa bulsa ng palda niyang suot. “Tanggalin mo na nga iyang bola mo sa ilong. Mukha kang joker.” Si Evelyn na mismo ang kusang nagtanggal ng bola at saka initsa na lang iyon sa kung saan. Agad silang sumakay sa taxi nang makalabas sa perya at tinungo ang ospital. Maswerte na nga siya na may karamay siyang tiyahin na napag-iiwanan sa anak niya kapag rumaraket siya. Ang ina naman kasi niya ay rumaraket din. Nagpapakatulong iyon sa isang amo na ubod ng sungit para sa kakarampot na sweldo na nagkakahalaga ng tatlong libong piso sa isang buwan, tagalaba pero stay-in. Ang ama naman niya ay tauhan sa vulcanizing shop at hindi pa nangalahati sa minimum ang kinikita. Paano niya bubuhayin si Czarina kung ganoon ang trabaho ng mga magulang niya? Isa pa, ayaw na niyang iasa ang bata sa mga lolo niyon, sapat na inalagaan siya at ang ate niya ng kanilang mga magulang sa kabila ng hirap. Hindi naman sila taga-Maynila talaga. Nagbakasakali lang sila na gaganda ang kinabukasan kapag sumugal sila sa kapalaran doon kaysa sa probinsya ng Masbate kung saan wala namang ikinabubuhay na iba ang ama niya kung hindi paggawa ng uling. Nagkaroon pa ng tuberkulosis dahil doon kaya tumigil na lang. Ganoon talaga siguro ang buhay kapag hindi nabiyayaan ng yaman ang isang tao, nakatadhana na maghirap at magpakatatag sa pagsubok ng buhay. And the girl… Czarina is not her daughter. Anak ang bata ng ate niya na namatay sa panganganak. Na-caesarian ang ate Rina niya at hindi na nagising matapos ang operasyon. Wala na silang naging impormasyon tungkol sa pagkawala ng nakatatanda niyang kapatid at tinanggap na lang nila ang dahilan na tumaas ang bp ni Rina at nag-cardiac arrest. Naiwan ang batang babae sa kanya na walang kasingganda at siya ang tinatawag na Mama. Wala silang alam sa kinaroroonan ng ama ni Czarina pero ang huling balita niya ay pumasok sa club ang ate niya nang mapadpad sa Maynila at doon nakakuha ng lalaki, lalaki na may asawa pero walang anak. Si Evelyn ang nagsabi sa kanya dahil naging janitress ang pinsan niya sa club pero hindi rin nakilala ang lalaki dahil pang-umaga naman ang pasok ng babae. All that Evelyn knows is the name of the man, Chris. Sinong Chris naman ang hahagilapin niya sa laki ng mundo? Baka isang milyong tao ang may-ari ng Chris na pangalan, kaya sa halip na kalbuhin niya ang sarili sa kunsumisyon sa paghahanap sa walang kwentang lalaki na nagpunla sa matris ng kapatid niya, inako na lang niya ang obligasyon kay Czarina bilang ama at ina. Hindi rin naman niya alam kung bakit naglaho na ang lalaki. Hindi niya alam ang dahilan at ayaw niyang manghula. Napatakbo si Kisses sa loob ng ospital at tuloy-tuloy siya sa emergency room kung saan mga tela lang ang nagsisilbing debisyon sa mga stretcher. Walang pangingiming hinawi niya ang kurtina at nakita niya ang anak niya na nagsi-seizure habang dumurugo ang ilong. Humagulhol siya ng iyak nang ipagtulakan siya ng mga nurses papalayo. “Baby ko…”umiling siya saka yumakap kay Evelyn. Hindi niya kaya ang nakikita niyang kundisyon ni Czarina. Baka mauna pa siyang mamatay sa awa kaysa sa bata. Maya-maya pa ay nagkagulo na ang mga nurse at hinila na ang stretcher. “ICU.” ICU? Napalingon si Kisses at hinabol ang papalayong higaang de gulong habang sakay niyon ang bata na parang wala ng buhay. “Baby!!!”She cried as she followed. “Baby ‘wag mong iwan si Mama.”palahaw niya ng iyak kaya sumunod na rin naman si Evelyn lalo na nang sumulpot na lang ng tiyang Magda niya na umiiyak din. Wala siyang alam kung mukha siyang payaso na luhaan. Puno kasi ng puting make-up ang pagmumukha niya, isang Geisha na may malaking nguso at nakapuyod ng dalawa sa magkabilang gilid ng ulo. “Sabi ko nga hahanap lang ako ng pera para maipatingin siya sa laboratory pero hindi na ako hinintay.” Pumiksi pa siya at lalong lumakas ang pag-iyak habang yakap ng tiyahin at ng pinsan niya. “Misis,”anang duktor na lumabas sa intensive care unit. Humarap siya kaagad kahit na lumuluha. Si Czarina na lang ang kasiyahan niya dahil kahit na mahirap ang buhay ay sumasaya sila dahil sa bata na magiliw at ubod ng lambing. Kahit na madalas iyong maghanap ng Papa ay hindi niya kinasasawaan. Iyon ang inspirasyon niyang kumayod sa araw-araw at magpatuloy sa pag-aaral para makapagtapos siya ng Education at magkaroon ng trabaho sa hinaharap kahit na 21 na siya pero nasa 3rd year college pa rin sa Polytechnic. She wants what’s best for the girl. As much as possible, she doesn’t want Czarina to suffer and experience what she had experienced, ang pumasok na walang black shoes at mag-sipit na tsinelas buong taon, ang pumasok na iisa ang blouse na puti at iisa ang palda na uniporme noon, ang pumasok na walang baon, mag-ulam ng tubig na may asukal para lang hindi magutom. But now the little girl is suffering more than those sufferings that she had. Mas masakit na makita iyong nahihirapan dahil sa sakit kaysa sa mga bagay na naisip niya. “Doc, ano na po siya?” Usisa niya kaagad sa babaeng duktor. “She has dengue hemorrhagic fever and she’s in the severe state.” Lumakas ang paghikbi niya at napatakip siya sa bibig. “She needs blood transfusion as early as possible. Apparently, we need type B positive.” “Ako po. Ngayon na ngayon din. Ngayon din po basta mabuhay lang ang baby ko.”umiiyak na pakiusap ni Kisses. Hinawakan ng babae ang braso niya. “We will. Bumaba na ang PB ng bata at ang platelets niya. I don’t want to hide it that she’s close to death a while back.” Anito kaya umiling siya. “Please…please po gamutin niyo kahit na magkano. Kahit po magkano maghahanap ako basta mabuhay lang siya.”patuloy siya sa pag-iyak kaya tumango ang duktor. “We are doing our best and we will monitor her condition. We will inform you if there’s any progress. Nagbilin na ako sa nurse ng mga dapat gawin at siya na ang bahala na magpaliwanag sa inyo, misis.” “Opo…” halos hindi na iyon lumabas sa bibig niya dahil nanghihina na talaga siya sa takot at sa awa kay Czarina. Kung pwedeng siya na lang ay aakuin na niya para huwag ng masaktan ang bata na inari niyang kanya simula’t sapul. She’s old and had so much in life. She could bear anything for her baby. Czarina Kraze is still so young and vulnerable. Napakadali nitpong durugin ng sakit. Siya, kaya niya kasi matanda na siya. Nabuhay na siya kaya gusto niya na lumaki pa rin ang bata at hindi matulad sa ina nitong namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD