Special Chapter Best Choice RISSY “Wow! This is truly amazing!” namamanghang bulalas ni Rissy nang ilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng bakuran ng laboratoryo ng FBI sa Virginia, matapos silang makababa ng sasakyan. Tumingin siya kay Zale at suminghot ng hangin pero nakatitig lang sa kanya ang asawa at nangingiti. “Happy?” He chuckled as he reached for her coat and fixed it. Hinagod siya nito ng tingin pababa saka ngumiti. “Very. I’ve never traveled this far or…I never really traveled in my entire life. Thank you.” Sinalo ng dalaga ang mangilan-ngilang snow na pumapatak at itinapat sa mukha ni Zale saka hinipan. Ang lakas ng tawa nito at nakuha siyang yakapin sa gitna ng katahimikan ng buong lugar. “You’re so beautiful. I’m so happy right now that you’re here with

