Chapter 38 ZALE In the middle of the night his phone tings for an E-mail attachment. Gising pa siya at binabantayan si Rissy dahil para siyang na-trauma nang isugod ito sa ospital. Binuksan niya ang natanggap na message habang mataman pa rin na nakatingin sa girlfriend niya. Pa-text-text ito at parang gusto niyang silipin kung sino ang pinagkakapuyatan nito sa ganoong oras ng gabi. Inilipat lang ni Zale ang atensyon ay nang sumulyap sa kanya si Rissy at napaangat ang mga kilay niya nang makita ang hubad na litrato ni Twilight. He erased it right away and blocked the woman’s account. He doesn’t want anything from her anymore. Napakalaking tanga niya na nagpaloko siya sa isang babaeng akala niya ay minamahal siya pero nagawa siyang itulak na gumawa ng masama kaysa ang tulungan siy

