CHAPTER 17

1152 Words
Ryker's POV Mahimbing ang tulog ni Jillian habang tahimik akong nagbihis ng damit. Bago ako tuluyang humakbang palabas ng silid, hindi ko napigilang muling lumingon at titigan ang natutulog niyang mukha. Ang inosenteng hitsura niya ay kabaligtaran ng poot na nararamdaman ko. "Tsk. You really think I'd fall for your pitiful act and dramatic tears?" I muttered coldly, every word dripping with bitterness. "I'll make sure that every second you spend with me becomes a living hell.". Paglabas ko ng silid, halos magsalubong ang kilay ko nang makita ang isang staff ng hotel na may dalang tray ng pagkain. Agad ko siyang hinarang bago pa man niya marating ang pinto. "Excuse me. Is that food delivery for Room T208?" I asked coldly. The staff member nodded, visibly startled by the sharpness of my gaze. "Yes, sir." "The person inside is asleep. Don't disturb her yet. Bring it later." I waved the keycard in my hand to prove that I was the room's occupant. "O-Okay, sir," he replied quickly, nervousness evident in his voice Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Naglakad ako palabas ng hotel, bawat yapak ay mabigat sa galit, at marahas na sumakay ng taxi. Habang binabagtas ng sasakyan ang mga lansangan ng Singapore, hindi mapakali ang sistema ko. Biglang niyanig ng tunog ng cellphone ko ang katahimikan. Nang makita ko ang pangalan ni Isaac sa caller ID, lalong nag-init ang ulo ko. Agad ko itong sinagot. "Bakit ka tumawag?!" tanong ko, walang preno ang inis sa aking boses. Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya. "Bawal na bang mangumusta sa best friend ko?" Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sumasabog kong dibdib. "Ano ba ang kailangan mo, gago ka?! Huwag mo akong bwisitin ngayon!" Mas lalo akong nagngitngit nang mas lumakas ang tawa niya. Kung nasa harap ko lang ang gago na 'to, baka naumpogl ko na ang mukha niya sa pader sa tindi ng pikon ko. "Pumunta ka talaga sa Singapore para lang sundan si Jillian, 'no?" panggatong pa niya. Halos mabasag ang screen ng cellphone ko sa tindi ng pagkakahawak ko rito. "I did not follow her! I had important business to take care of here. That's why I'm in Singapore. Stop making up stories!" Tumawa siya, sarkastiko at puno ng pang-uuyam. “Wow! Ang galing mong umarte, kapani-paniwala,” banat niya, bago humakhak nang malakas. “Huwag mong sabihin na unti-unti nang nahuhulog 'yang matigas mong puso kay Jillian?” “That garbage will never happen!" I shouted, completely losing control. "Even if the world ends, I will never fall in love with that woman!” Biglang napatingin sa rear-view mirror ang driver ng taxi, halatang nagulat at natakot sa biglaang pagsabog ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko. “Kung wala ka nang ibang sasabihing matino, ibababa ko na itong tawag!” “Wait!” agap niya, seryoso na ang tono. “Ano na naman?!” “Gusto ko lang ipaalala sa 'yo, Ryker... ang tunay na dahilan kung bakit mo pinakasalan si Jillian. Huwag mong kakalimutan kung ano ang plano natin.” Nanginig ang panga ko sa galit, at ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng adrenaline sa mga ugat ko. “Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yan. Kahit isang segundo, Isaac,” malamig kong sagot, bago marahas na pinindot ang end call. Tumingin ako sa labas ng bintana, habang sumasabay ang mabilis na takbo ng sasakyan sa nagkakagulong emosyon ko. “"It seems Jillian is getting far too comfortable around me," I murmured. "She thinks this is some kind of game. I need to remind her what kind of hell she chose when she entered my life." "Could you repeat what you just said, Mr. Alder?" tanong sa akin ni Archie Tan, ang oncologist na doktor ng tatay ni Jillian. Puno ng pagkabigla at pag-aalinlangan ang mukha niya. Naka-dekuwatro akong nakaupo sa malambot na sofa sa loob ng opisina niya. “You're not deaf, Doc. You heard exactly what I said.” Nawala ang propesyonal na ngiti sa labi niya at seryoso akong tinitigan. “Do you even realize what you're asking me to do? You want me to slowly kill my patient? I'm a doctor, not a murderer!" "Well, that's where that old man is headed anyway," I replied without a trace of sympathy. "I'm only speeding up the process. Why prolong his suffering?" "You're crazy! You're a monster!" he shouted as he rose from his chair. "You want me to kill your own father-in-law? Do you really think I'd do something that disgusting just because of your money? Sarkastiko akong ngumiti, kahit na nagngangalit ang kalooban ko sa pagtanggi niya. “If you refuse to do what I want, I'll withdraw every billion-dollar share I own in your company. Right now." "Then do it!" he shot back, his face red with anger. I clenched my fists, feeling my nails dig into my palms as I glared at him. "Your company will collapse, Archie. Everything you've worked for will disappear in the blink of an eye if I do that." "Go ahead! Pull out your money!" he challenged. "Don't drag me into your twisted hatred toward your father-in-law! I spent years studying and building my reputation. You think I'd destroy everything for someone like you? I wouldn't be the only one ruined, Ryker. This entire institution would suffer." "I don't hate the old man," I said, even though I knew it was a lie. "I'm just trying to end his suffering,” palusot ko, bagaman alam kong gawa-gawa ko lang ang rason na iyon. Ang totoo, nag-aalab ang pagnanasa kong mawala ang tatay ni Jillian. Gusto kong makita kung paano wawasakin ng pighati ang pagkatao ni Jillian Gustong-gusto kong makita siyang umiiyak, nagmamakaawa, at nadudurog sa sakit sa pagkawala ng kanyang tatay dahil doon lang ako makakaramdam ng kapayapaan. "If that's the case, stay away from my patient!" Doctor Tan warned firmly. "I believe in my abilities, and I'll do everything I can to save him." "Wake up, Doc. There's no cure for that kind of cancer. They're wasting their time, and you're wasting your breath." "That family traveled all the way from the Philippines to Singapore carrying their last hope that her father could survive!" he shouted. "No demon is going to stop me from doing everything possible to treat my patient.” Nagtagis ang mga bagang ko sa tindi ng galit. Pakiramdam ko ay sinusubukan ng doktor na ito ang pasensya ko. Huminga ako nang malalim, habang ang mga mata ko ay nagbabaga sa poot. “You'll pay for this stubbornness, Archie. Remember that." Sinalubong niya ang tingin ko. “Don't just threaten me. Do whatever you want. I'm not afraid of you." “f**k!” Napamura ako sa galit. Marahas akong tumayo, halos maitumba ko ang silya sa tindi ng aking puwersa, at padabog na nilisan ang kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD