“Stage 3 lymphoma cancer ang sakit n’yo, Ginoong Ramirez,” wika ni Dr. Briones habang nakatingin kay Tatay.
Parang biglang lumamig ang paligid. Nakita ko ang pamumula ng mukha nina Tatay at Nanay, halata ang pagpipigil nila sa pagpatak ng luha. Para bang isang mabigat na pader ang bumagsak sa dibdib namin.
Dahan-dahan kong hinimas ang balikat ni Tatay upang pagaanin ang loob niya, kahit alam kong mabigat din ang sa akin.
“Dok... mamamatay na ba ako?” may halong takot at pangungulila sa boses ni Tatay.
“Fernando, huwag kang magsalita ng ganyan,” mabilis na tugon ni Nanay, nanginginig ang boses.
“Ginoong Ramirez, huwag kayong mag-alala,” malamig ngunit puno ng pag-asa ang tinig ni Dr. Briones. “Marami ang gumagaling sa sakit na lymphoma. Hindi ito katapusan.”
malungkot na yumuko si Tatay. “Pangmayaman ang sakit na ito. Mukhang hindi magtatagal ang buhay ko...” Halata ang pighati sa kanyang tinig.
“Tay,” halos mapaiyak ako sa pagpipigil, “huwag po kayong mag-isip ng ganyan. Lalaban pa tayo. Huwag kayong mawalan ng pag-asa.”
“Tama ang anak n’yo,” dagdag ni Dr. Briones. “Huwag kayong bibitiw. Gagawin ko ang lahat para gumaling kayo.”
Tumango si Tatay, pero ramdam ko ang bigat sa kanyang loob. Para bang pilit lamang siyang kumakapit sa sinasabi namin.
“Anim na sesyon ng chemotherapy ang kailangan n’yo. Isa-schedule na kita sa susunod na buwan,” sabi ng doktor.
“Okay, Dok,” mahina ang tugon ni Tatay.
Paglabas namin ng ospital, tila baga naiwan ang mga puso naming durog sa loob ng silid na iyon. Tahimik sina Tatay at Nanay sa biyahe, tanging bigat ng kanilang buntong-hininga ang naririnig ko. Ako naman, pilit kong pinatatag ang sarili. Ayokong makita nilang nadudurog din ako.
“Jillian,” basag ni Tatay sa katahimikan, “bakit ka pa sumama pauwi? Baka magalit ang head nurse mo.”
“Nagpaalam ako na mag-half day para samahan kayo.”
“Hindi ka na sana nagpaalam,” tugon ni Tatay, pilit na pinapawi ang bigat ng sitwasyon.
“Mas mahalaga po kayo sa akin,” sagot ko nang buong puso.
Sandali siyang tumingin sa akin at may bahagyang ngiti. “Salamat, anak.”
Pagdating namin sa bahay, ako agad ang nag-asikaso. Nilinis ko ang sugat ni Tatay at inabot ang mga gamot na binili ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
“Anak... huwag na lang kaya ako magpa-chemotherapy?”
Nagkatinginan kami ni Nanay, parehong gulat at kinakabahan.
“Tay, iyon lang ang paraan para gumaling kayo,” mariin kong sagot.
“Pero saan tayo kukuha ng pera? May chemotherapy na, may radiation therapy pa—araw-araw. Hindi natin kakayanin.”
“Fernando,” halos maiyak si Nanay, “huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Kailangan malakas ang loob mo para mas mabilis kang gumaling.”
Umiling si Tatay, puno ng pangungulila ang mga mata. “Anak, ang sakit ko ay sakit ng mayayaman. Hindi naman tayo mayaman. At kahit magpagamot, marami pa rin ang namamatay. Malulubog lang tayo sa utang. Ayokong dagdagan ang pasanin n’yo.”
Hinawakan ko ang kanyang palad at pinisil iyon nang mariin. “Tay, lalaban tayo. Hindi pa ito katapusan. Huwag n’yo pong isipin ang pera. Ang isipin n’yo ay gagaling kayo.”
Tumingin siya sa akin, puno ng lungkot. “Pasensya ka na, anak... binigyan pa kita ng problema.”
Umiling ako, pilit na ngumiti. “Hindi po ito problema. Magkasama natin itong lalabanan hanggang sa magtagumpay tayo.”
“Salamat,” mahina niyang bulong bago siya pumikit.
Lumabas ako ng silid at huminga nang malalim, saka bumagsak sa kama ko. Binuksan ko ang online banking ko.
“Hindi talaga sasapat ang ipon ko para sa gamutan ni Tatay,” bulong ko sa sarili, habang nakatitig sa maliit kong ipon.
Bigla, nag-pop up ang notification mula sa social media account ko.
“Siya na naman.”
Binuksan ko ang chat.
“Hey! Why are you ignoring me? Masama bang magandahan sa’yo?” chat ng isang dummy account.
Agad kong nakilala. Kahit paulit-ulit siyang gumagamit ng bagong account, alam kong siya pa rin ang lalaking minsang nag-alok ng indecent proposal.
Napabuntong-hininga ako. “Bahala na.”
Nag-reply ako. “Don’t you get tired of this? I’ve blocked so many of your dummy accounts already.”
Mabilis siyang nag-reply.
“Well, it’s worth it, because finally you noticed me.”
“What do you want from me?”
“An indecent proposal. I’ll pay you whatever amount you want.”
I clenched my phone. “Why me? You haven’t even seen me.”
“I know you.”
“You know me? Have we met?”
“It’s not important. I have an offer. Sleep with me, and I’ll pay you ten million pesos.”
Nanlaki ang mga mata ko. Para akong natulala.
Sampung milyon? Ang chemotherapy ni Tatay... ang mga gamot... lahat matutustusan.
Pero kasabay noon, ay ang pagkawala ng dangal ko.
Nag-reply ako: “If you’ve got nothing better to do with your life, don’t involve me.”
Biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag siya. Hindi ko agad sinagot. Sa pangalawang beses, napilitan akong sagutin.
“H-Hello,” nauutal kong bati.
“Ang sweet naman ng boses mo,” sabi niya, gamit ang halatang voice changer.
Kinilabutan ako. “Scammer ka ba?”
“What’s your bank account number?”
Why are you asking?”
“Because I want to prove I’m not a scammer. I’m serious about what I said.”
I took a deep breath. “Fine. I’ll message it to you.” I ended the call and sent my account number.
Makalipas ang ilang minuto, muli siyang nag-chat. “Check your bank account.”
Nanginginig kong binuksan ang app.
“Five hundred thousand?” halos mahulog ang cellphone ko sa gulat.
“Totoo ba ito?”
Ngayon lang nagkaroon ng ganoon kalaking pera ang bangko ko. Kung ipon lang, baka abutin ako ng sampung taon bago makaipon ng ganoon.
Bago pa ako makapag-isip, tumawag siyang muli.
“Do you believe me now?” he asked.
“Bakit ang madali lang sa'yo na magbigay ng pera?”
“Because I like you. So, will you agree?”
Mariin akong pumikit. Para akong hindi makahinga.
“Just one night,” I whispered.
“Sure. Just one night.”
“Okay… I agree.”
“Good. I’ll send half of the payment now, and the rest after you’ve done your job.”
Tumigil ang mundo ko sa salitang iyon. Trabaho.
Masakit marinig, pero kailangan kong tanggapin na ibinenta ko ang sarili ko.
Tumulo ang luha ko. “Para kay Tatay... kakayanin ko.”
***
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Lora, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha habang marahang ipinapahid ang blush on sa pisngi ko.
Tahimik akong tumango habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Ni hindi ko na halos makilala ang repleksyong nasa harap ko. Isang babaeng pinilit ngumiti, pero wasak ang loob.
Sinabi ko sa kanya ang totoo. May nag-alok sa akin ng malaking halaga. Isang halagang kaytagal ko nang pinapangarap, pero sa kapalit na hindi kayang tumbasan ng anumang pera. Ang sarili kong puri. Lubos ang pagtutol ni Lora sa desisyon ko, ngunit alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ako sa desisyon ko.
Tumango ako habang nakatingin sa salamin. “Gusto kong ipagamot si Tatay sa ibang bansa,” bulong ko. “Ayokong unti-unting mamatay siya habang wala akong magawa kundi ang manood.”
Bumuntong-hininga si Lora.“Kung bakit kasi ang mahal ng gamot para sa may cancer… Wala pa ring libre sa bansang ‘to. Kahit magpakalunod ka sa trabaho, kulang pa rin.”
“Hindi na sapat ang health card ko. Lahat ng naipon ko, ubos na. Ang sinasahod ko, hindi man lang umaabot sa kalahati ng isang linggong gamot ni Tatay.” Napakagat ako sa labi. “Kahit tumira na ako sa ospital, hindi pa rin sasapat.”
“Paano kung fake ‘yan? Baka kunin lang niya ang puri mo o kaya kung anong gawin niya sa’yo. Pagkatapos, hindi ka naman bayaran.”
“Alam ko. Kaya pinilit kong humingi ng garantiya. Sinabi kong kailangang ihulog niya sa bangko ko ang kalahati ng bayad bago mangyari ang kahit ano.”
“Naipadala na ba?”
Tumango ako, pilit iniiwas ang tingin. “Noong isang araw pa. Kaya… wala na akong kawala.”
“Jillian…”
“Kung anuman ang mangyari sa akin. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa magulang ko.”
Hininto ni Lora. “Parang kinakabahan ako sa sinabi mo.”
“Ang mahalaga may pera na akong pampagamot kay Tatay.”
“Mag-ingat ka.”
Pilit akong ngumiti. Ang totoo, natatakot ako sa mangyayari sa akin mamaya. Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Ryker. Dalawang pu’t apat kong ingatan ang sarili, hindi ako nagkaroon ng boyfriend dahil nag-focus ako sa pag-aaral para maging nurse. Kung kailan nagbabalak na akong mag-apply sa ibang bansa, saka naman nagkasakit si Tatay. Wala tuloy akong pagpipiliin kung hindi ang tanggapin ang alok niya.
“Mag-iingat ka! Tumawag ka sa akin kung anong nangyari sa’yo,” malungkot na sabi ni Lora.
Tumango ako. “Nandiyan na ang sasakyan ko.” Hindi na ako lumingon nang maglakad ako palabas ng inuupahan bahay ni Lora. Ang buong akala ng magulang ko ay naka-duty ako ngayon sa ospital.
Sa loob ng taxi, tahimik akong nakatingin sa labas. Naka-ilang buntong-hininga na ako bago tumunog ang cellphone ko.
“Hello!”
“Where are you?”
Kinilabutan ako sa boses na ‘yon. Halatang gumamit pa siya ng voice changer para hindi makilala ang boses niya.
“Papunta na po ako sa hotel,” sagot ko.
“Good. See you!” Pinutol niya ang tawag.
Huminga ako nang malalim. “Lord, kayo na ang bahala sa akin,” dasal ko.
Habang papalapit ang taxi sa hotel, tila lalong bumibilis ang bawat t***k ng puso ko. Para akong mauubusan ng hininga sa halo-halong kaba at pananabik. Ang mga ilaw sa labas ay naglalaro sa bintana ng taxi, at bawat patak ng ulan ay parang kasabay ng pagbilis ng pintig ng dibdib ko.
“Ma’am, nandito na po tayo,” magalang na sabi ng taxi driver.
Tumango ako at iniabot ang bayad, saka marahang bumuntong-hininga. “Wala nang atrasan ito,” bulong ko sa sarili, habang pinipigilang manginig ang mga kamay ko.
Pagpasok ko sa loob ng hotel, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at halimuyak ng mamahaling pabango. Ang bawat yapak ko sa marmol na sahig ay parang kumakalansing sa kaba na nararamdaman ko. Lumapit ako sa information desk, pilit pinapakalma ang sarili.
“Hello, good evening! I’d just like to know which room Mr. Ryker is staying in,” sabi ko, pinipilit na gawing matatag ang tinig kahit ramdam kong nanginginig ito.
Ngumiti ang babaeng nasa information. “Hello, Ma’am. Okay, I’ll check.”
Her red nails clicked rapidly on the keyboard as she focused on her screen. After a moment, she picked up the phone. “Hello, Sir,” narinig kong sabi niya, magalang at may ngiti sa boses.
Matiyaga akong naghintay, halos hindi gumagalaw. Parang bawat segundo ay umaabot ng isang oras.
“Ma’am, please wait here. Someone will come for you,” she said after ending the call.
I gave her a faint smile. “Thank you.”
Umupo ako sa isang gilid habang hawak ang cellphone ko. Ilang beses kong tiningnan ang oras, pero pakiramdam ko’y lalo itong bumabagal.
“Miss Jillian?”
Napapitlag ako at agad na tumingala. Isang lalaking nasa edad singkwenta ang nakatayo sa harapan ko. Kayumanggi ang balat, bahagyang pawisan, at simple lamang ang suot na t-shirt at maong.
Siya ba si Ryker?
Hindi ko maipaliwanag, pero iba sa inaasahan ko. Hindi mukhang mayaman o makapangyarihan, gaya ng nasa isip ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot na hindi ko maipaliwanag. Para bang gusto kong ibalik ang perang natanggap ko at sabihing nagkamali ako sa desisyon kong ito.
Pero hindi... hindi ako puwedeng umatras.
“Miss Jillian?” ulit niya.
“Ay! S-sorry! A-ako nga po si Jillian. N-nice to meet you, Sir Ryker!” nauutal kong tugon, pilit na ngumingiti.
He grinned and shook his head. “Hindi po ako si Sir Ryker. Ako po ang driver niya. Nasa ibang hotel siya at pinasusundo ka sa akin.”
Namula ang pisngi ko sa hiya. “Ah, s-sorry po!”
“Wala ‘yon. Halina po kayo,” sagot niya, sabay turo sa direksyon ng pinto.
I followed him out of the hotel, the click of my heels echoing faintly on the marble floor. Outside, the night air was cool, brushing against my skin as the city lights shimmered in the distance.
“Miss Jillian, may pinabibigay pala sa inyo ang boss ko,” sabi ng driver nang makasakay kami sa kotse. Iniabot niya ang isang maliit na itim na kahon.
Napakunot ang noo ko. “Ano ito?”
Bago pa siya makasagot, nag-vibrate ang cellphone ko. Si Ryker.
“Hello,” maingat kong sagot.
“Have you received my little gift?” his calm yet commanding voice filled my ear.
“Anong laman ng box?” tanong ko.
“A red handkerchief. Put it on now and cover your eyes.”
“Ha? Bakit ko kailangang takpan ang mga mata ko?” tanong ko, bakas ang kaba sa tinig ko.
He chuckled softly on the other end.“You don’t have the right to ask questions, Jillian. Just do as I say.”
Napalunok ako. “Pero—”
“Don’t be afraid. I won’t hurt you,” he said in a calm but firm tone. “I’m a man of my word. I’ll only take what I need… nothing more.”
I closed my eyes and took a deep breath. “O-okay.”
“Good. See you later,” sagot niya, sabay putol ng tawag.
Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na kahon. Nandoon nga ang pulang panyo na manipis, mabango, at tila bago pa.
Wala akong nagawa kundi itakip ito sa aking mga mata.
Habang umaandar ang kotse, ramdam ko ang bawat pihit ng gulong at ang pag-indayog ng upuan. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas nakakakaba kaysa sa kahit anong ingay.
“Lord... kayo na po ang bahala sa akin,” bulong ko, habang mahigpit na hinahawakan ang maliit kong bag.