CHAPTER 15

1828 Words
“Kumusta ang check up ni Tatay?” tanong ko kay Nanay nang makabalik ako sa ospital. Pagod man ang kanyang mukha, isang mahinang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Nabuhayan ng loob ang tatay mo,” sagot niya. “Sinabi ng oncologist niya na may pag-asa pa raw siyang gumaling.” Hindi ko mapigilang mapatingin kay Tatay. Mahimbing siyang natutulog sa hospital bed, ngunit kahit natutulog ay bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagod at paghihirap na dinanas niya nitong mga nakaraang buwan. “Mabuti naman,” mahina kong sabi. “Kahit paano, lumakas ang loob niya.” “Oo,” tumango si Nanay. “Nakita ko nga siyang ngumiti kanina. Matagal ko nang hindi nakikitang ganoon ang ngiti niya.” Napalunok ako. Noong bata pa ako, si Tatay ang pinaka-matapang na taong kilala ko. Siya ang taong hindi natitinag kahit gaano kabigat ang problema. Ngunit ngayon, habang nakahiga siya sa kama ng ospital, tila unti-unting kinakain ng sakit ang lakas na dati niyang taglay. “Sinabi rin ng doktor na huwag muna raw kaming umuwi,” pagpapatuloy ni Nanay. “May mga pagsusuri pa silang gagawin sa kanya.” “Mabuti naman kung ganun.” Inilapag ko ang dala kong mga supot sa mesa. “Kumain muna kayo. May dala akong pagkain.” Tumingin si Nanay sa akin. “Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?” “Kumain na ako.” “Kumusta ang lakad mo?” Huminga ako nang malalim bago ngumiti. “Okay naman. May maganda pala akong balita sa inyo.” Bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha. “Ano iyon?” “May bago na tayong matutuluyan dito. Malapit lang sa ospital. Walking distance lang kaya hindi na kayo mahihirap na bumiyahe araw-araw.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “Talaga?” Tumango ako. “Oo. Maaari kayong magpahinga roon kapag natutulog si Tatay.” Saglit siyang natahimik bago marahang ngumiti. “Mabuti naman kung ganoon.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Ikaw, kailan ka babalik sa Pilipinas?” “Naka-leave ako ng dalawang linggo,” sagot ko. “Kaya may oras pa akong alagaan si Tatay bago ako bumalik.” Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Huwag po kayong mag-alala. Sisiguraduhin kong maayos ang lahat bago ako umalis.” Biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata. “Napaka-swerte talaga namin sa iyo,” nanginginig niyang sabi. “Paano na lang kung wala ka? Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng ito.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Mula nang magkasakit si Tatay, nakita ko kung paano unti-unting nadurog ang matatag na babaeng kinalakihan ko. Ang babaeng dating kayang harapin ang kahit anong problema ay ngayo’y unti-unting kinakain ng takot at pag-aalala. Lumipat ako sa tabi niya at marahang niyakap siya. “Huwag po kayong umiyak,” bulong ko. “Baka magising si Tatay.” Napapikit siya habang pilit pinipigilan ang paghikbi. “Ayaw niyang nakikitang umiiyak kayo.” Tumango siya at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha. Ilang segundo kaming natahimik. “Saan mo ba binili ang pagkaing ito?” tanong niya upang mabago ang usapan. “Masarap ang lasa.” Napangiti ako. “Sa isang fast-food restaurant lang dito.” “Masarap ang lasa ng pagkain, parang luto waslang sa Pilipinas.” “Marami rin namang mabibilhan ng pagkaing Pinoy dito. Hindi kayo maboboring dahil maraming mga Pilipino dito.” Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Ang ibang nurse dito ay Pilipino kaya hindi dumudugo ang ilong ko kapag nakikipag-usap,” biro niya. Sa Pilipinas kasi, kapag may nag-e-English, ang laging sinasabi ay nakaka-nosebleed. Pagkatapos niyang kumain ay pinilit ko siyang magpahinga. “Ako na muna ang magbabantay kay Tatay.” “Paano ka naman?” nag-aalala niyang tanong. “Ilang araw ka nang puyat.” “Huwag ninyo po akong alalahanin.” Ayaw kong sabihin sa kanya na halos hindi na rin ako makatulog nang maayos. Ayaw kong malaman niyang gabi-gabi akong umiiyak. Makalipas ang ilang minuto, nakatulog na si Nanay. Ako na lamang ang gising sa silid. Tahimik kong pinagmamasdan si Tatay. Sa bawat pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib, para akong nakakahinga nang maluwag dahil ibig sabihin ay malakas pa siya. Habang nakaupo ako sa tabi niya, unti-unti namang bumibigat ang aking mga talukap. Ngunit sa tuwing aantukin ako, may pumapasok na nurse upang tingnan ang kanyang kalagayan. Kausap ko ang isa sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan sa screen. Ryker. “Bakit ba siya tumatawag?” bulong ko. Agad akong lumabas ng silid bago sagutin ang tawag. “Ano bang kailangan mo?” malamig kong tanong. “Is that how you talk to your husband?” he teased. Napapikit ako sa inis. “Nag-usap na tayo, hindi ba? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?” “I didn’t call to flirt with you.” “Kung ganoon, ano?” “Stop going to the grocery store. I already did the shopping.” Napakurap ako. “Ano?” “Everything is complete food, your father’s supplies, even your basic necessities. You don’t need to buy anything anymore.” Hindi ako agad nakasagot. Sa kabila ng lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya, hindi ko maikakaila na gumaan kahit kaunti ang pasan sa dibdib ko. “Hindi mo na sana kailangan gumastos.” “I didn’t do it to save you money,” he replied seriously. “I did it because I wanted to lessen what you have to take care of, so you can come home on the day we agreed on.” “Salamat,” mahina kong sabi. At bago pa niya marinig ang anumang emosyon sa boses ko, agad kong pinutol ang tawag. Gising na si Tatay nang bumalik ako sa silid niya. Wala na rin ang nurse na pumunta para bigyan siya ng gamot at i-check at vital sign niya. "Tay, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. "Mas maganda na ang pakiramdam ko kaysa kahapon." Tiningnan ko ang sugat niya. "Mabuti naman ay gumagaling na ang sugat mo sa paa, ibig sabihin hindi siya na-infection." "Talagang matutuyo ang sugat ko, magaling na nurse ang anak ko," sabi niya na may halong papuri. Ngumiti ako. "Maniniwala na ako kasi kayo ang nagsabi sa akin." Tumingin siya kay Nanay na mahimbing na natutulog. "Mabuti naman at nakatulog ang Nanay mo. Ilang araw na siyang napupuyat dahil sa akin." Tumingin siya sa akin. "Ikaw, bakit hindi ka matulog para naman magpahinga ka." Umiling ako. "Nakatulog naman ako ng maayos kagabi," pagsisinungaling ko. Alam kong hindi naniniwala si Tatay sa sinabi ko dahil halata sa mata kong nangangalumata. Huminga siya nang malalim. "Hindi sana kayo mahihirapan kung hindi sana ako nagkasakit." Lumapit ako sa kanya at hinimas ako ang balikat niya upang paganin ang bigat na nararamdaman niya. "Hindi ba't nag-usap tayo, na wala kang ibang iisipin kung hindi ang gumaling ka, gagaling ka!" Tumango siya. "Napaka-swerte ko dahil binigyan ako ng mabait at mapagmahal na anak." May namumuong luha sa mga mata niya, kaya bago pa ito tumulo ay tumayo ako. “Kainin nyo itong ihahanda ko sa inyo at bawal ka ng kumain ng matatamis na pagkain.” Pilit siyang ngumiti. "Sige, gutom na rin ako." Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ay biglang tumulo ang luha ko sa pisngi kaya mabilis kong pinunasan. “T-tay, kainin mo ito. Maganda itong panlaban sa cancer,” sabi ko. “Salamat. Kumain ka na rin.” “Kanina pa ako kumain.” “Okay, ikaw ang bahala.” Nakangiti ako habang pinapanood kong kumain si Tatay. Pinipilit niyang ubusin ang pagkain na binigay ko sa kanya. ***+ Kinabukasan, bumisita ang oncologist niya. “Hodgkin lymphoma cancer has been diagnosed in you. You will undergo eight cycles of chemotherapy, twenty cycles of radiotherapy, and ten cycles of immunotherapy. We will begin your chemotherapy today,” sabi ng oncologist niya bago ito lumabas ng silid. Hawak ko na rin ang reseta ng gamot na kailangan kong bilhin. Ang maganda dito sa ospital na ito. Lahat ng gamot na nirereseta ay mabibili sa loob ng ospital. Bagamat hindi gaanong naintindihan ni Tatay ang paliwanag ng doktor, tumango siya bilang pagsang-ayon. Lumapit ako kay Tatay. “Matatagalan pa kayo bago makabalik sa Pilipinas, pero ang maganda ay gagaling kayo. Alam n’yo ba, mas marami ang gumagaling sa sakit n’yo, kaya laban lang, Tay!” “Lalaban ako para sa inyo, pero paano ang gagastusin natin dito?” “Huwag n’yong isipin ang pera.” Tumingin ako kay Nanay. “’Di ba, Nay? Lalaban tayo!” Tumango si Nanay at ngumiti. “Oo, lumaban ka at gagawa pa tayo ng isa pang Jillian,” biro ni Nanay. Tumawa nang malakas si Tatay, bagay na nakakapagpasaya sa akin. “Matatanda na tayo para diyan,” tugon ni Nanay. “Hindi pa ako menopausal,” biro pa ni Nanay. “Tumigil ka nga, Inday,” patawang sabi ni Tatay. Tinatawag niyang “Inday” si Nanay bilang endearment niya rito. Tumayo ako. “Iwan ko muna kayo at magbabayad lang ako.” “Sige,” wika ni Nanay. “Anong gusto nyong kainin at bibili ako sa labas?” tanong ko. “Huwag ka nang bumili. Ang daming pagkain dito,” wika ni Nanay. “Sige po.” Lumabas ako upang bayaran ang bill ni Tatay. “Excuse me, I’d like to pay the bill for Fernando Ramirez for today,” I said to the cashier. “Ma’am, there is nothing for you to pay.” “Huh? There must be a mistake. Please check again.” “Fernando Ramirez is your patient, correct?” “Yes, he is.” “All of his treatments have already been paid for, including the room and the medications he will take.” “How can everything be paid when the tests haven’t even been done yet?” “Whatever tests or treatments Mr. Ramirez will undergo are already covered by Alderstone Grand. They have taken responsibility for all his medical expenses and needs.” “Okay, thank you.” Tumalikod ako at umalis. “Si Ryker ang nagbayad ng lahat,” bulong ko. Agad kong tinawagan si Ryker. “Nasaan ka?” tanong ko. “What a miracle! You’re the one who called me first,” natatawang sabi niya. “Gusto kitang makausap, kaya sabihin mo kung nasaan ka.” “Why would I tell you? So you can kidnap me?” he teased “Wala akong panahon makipag-biruan sa’yo. Sabihin mo na kung nasaan ka.” “Relax. Don’t get angry. I’ll just message you the hotel once I get back. I’m in a meeting right now, so you wouldn’t reach me there even if I told you.” “Okay. Hihintayin ko ang chat mo. Bye!” “Wala bang ‘I love you, darling’ diyan?” sabay tawa niya. Pinutol ko ang tawag niya para hindi na humaba ang usapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD