Hindi naman sa ayaw ko na pinapakilala niya akong Fiancée niya sadyang hindi pa ako sanay! Napansin ko naman na sa klase ng tingin niya, nagtatanong siya kaso lang bago ko pa masagot yong tanong niya my babae’ng nagsalita mula sa likuran namin. “Hi guys!” Sabi nung babae na nakamaikling dress pero hindi naman nakakabastos tignan, my suot suot din siyang hard hat. Isa isa din siyang binati ng apat na lalaki at parang agad nilang nakalimutan yong presensiya ko, okay lang naman. Nakakailang din kasi na ako yong center of attention nila. “Ero!” Dagdag pa niya at halata din sa boses niya na nagulat siyang naririto si Ero. Mas lumapit pa siya sa kinatatayuan namin ni Ero at saka niya bineso beso si Ero nakalas tuloy yong pagkakayakap ng kamay niya sa bewang ko. Nakita ko pa nga kun