DALE Ilang ulit akong palihim na bumalik sa bahay ni Sam araw-araw pero wala kahit na anong bakas niya ang naroon. Hindi siya umuwi kahit minsan simula ng umalis siya. Magulo ang isip na pumasok ako sa trabaho. Nagising na si mommy pero hindi niya ko kinausap. Tahimik lamang siya matapos tanungin ako kung anong nangyari at bakit hindi ako sumipot sa dapat sana ay kasal namin ni Sam. Ang tanging sinabi ko ay na lasing ako bagay na lalong ikinagalit ni mommy. Hindi ko pwedeng sabihin sa kan'ya ang bagay na natuklasan ko dahil lalo lamang siyang masasaktan knowing na siya na mismo ang nagsabi na tigilan ko ang ginagawa ko dahil ayaw niyang ikapahamak ko ito. Tatlong araw pa ang mabilis na lumipas. Nailabas ko na si mommy sa ospital at bumalik na rin ako sa trabaho ko. Ang laking chang