CHAPTER 3

1425 Words
DALE Hindi naging mahirap para sa akin ang mag-adjust sa departamento na nilipatan ko. Kahit marami ang tigasin at pasaway ay unti-unting nagbago ang performance ng mga pulis na kasama ko sa team ko. Masasabi ko na tagumpay ang unang bahagi ng misyon na binigay sa akin ng superior ko dahil naging maganda ang resulta ng training at mahigpit na performance checking na ginawa ko. Walang araw na hindi ako pumunta sa area kung saan sila naka-assign. Bigla akong sumusulpot kaya naging alerto ang mga tauhang hawak ko sa takot na maparusahan ko. Marami na akong napalambot kasama na ang bililad sila sa arawan habang naglilinis ng kalsada. Hindi nakababa ng dignidad ang ganitong parusa bagkus ay tinutuwid sila na magkaroon my mataas na moral. Epektibo ang ginawa kong technic kaya naging maayos ang takbo ng trabaho namin. Marami rin na mga driver ng taxi at jeep na dumadaan sa area of responsibility ko ang nagpapasalamat sa nakita at naramdaman na pagbabago. Nawala raw kasi ang kutong na siya nilang malaking problema sa araw-araw na byahe sa mga lugar na hawak ko. Kasalukuyan kaming nagbabantay dahil may radyo sa amin at tip mula sa command base namin na posible na dito dumaan sa lugar namin ang hinahabol na karnaper ng mga sasakyan. Naglagay kami ng barikada para sa checkpoint at iniisa-isa namin ang bawat sasakyan. Sa una ay maayos naman ang lahat hanggang sa may mga nakita akong violation ng ilang driver kasama na ang pagmamaneho ng lasing na lasing at may ilan na amoy droga pa sa loob ng sasakyan na mukhang doon pa naganap ang singhot session ng mga nahuli namin. Isang pulang Ferrari ang pasadsad ang gulong na tumigil sa harap ng checkpoint na ginawa ng grupo ko. Sigurado ako na mabilis ang takbo ng sasakyan na minamaneho ng kung sino at biglang preno ito ng makita ang harang sa daraanan nito. "What's wrong with guys? Didn't I told you, if you want money, I'll give you. Just name your price and let me go!" mataray na bulyaw ng babaeng kausap ng isang pulis ko habang nagtatalo ang mga ito. "Anong problema?" tanong ko ng makalapit ako. Kunot ang noo na bumaba ang tingin ko sa mataray na mukha ng babaeng nakataas ang kilay sa loob ng sasakyan. "Sir, hinihingi ko ang lisensya pero tinarayan ako. Tinatanong pa kung magkano ang bayad sa atin para pakawalan natin s'ya," sumbong ng pulis siyang nag-handle sa mataray na babaeng nakabusangot sa loob ng sasakyan. Tumango ako at yumuko para mas makita ko ang mukha ng babaeng walang pakundangan kung presyuhan ang dignidad naming mga pulis. Alam ko na sa kilos nito ay hindi maikakaila na anak mayaman ito lalo pa at mamahalin ang sasakyan na dala nito. "Nasaan ang driver license mo?" seryoso na tanong ko habang nakatitig sa mga mata nito. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito at pag-haba ng nguso. "Ang kulit n'yo naman. Ang tatanda n'yo na pero hindi kayo makaintindi," maarte na sabi nito sabay ikot ng mata sa akin. Anak ng pusa, kahit gaano kayaman ang isang ito kung ganito ang pag-uugali ay hindi ito makakaligtas sa akin. "Huling beses na tatanungin kita. Nasaan ang driver license mo? Akin na," sabi ko sabay lahad ng kamay. "Look mamang pulis it's four in the morning. I'm so sleepy and tired. I wanted to rest badly, let me settle things here. I don't have my license with me right now and whether you accept my reason or not, I have nothing to present," sagot nito na proud pa na walang maipakita na lesensya pero ang lakas ng loob magmaneho. "Baba," utos ko. "Why would I go down? Here," abot nito sa akin ng ilang lilibuhin na hawak. "I guess this is enough," parang walang pakialam sa mundo na sabi pa nito. Tiim-bagang na inangat ko ang kamay ko at ipinasok sa loob ng bintana nito. Laking gulat ng babaeng kausap ko ng hawakan ko ang pulsuhan nito ng mahigpit kaya hindi ito nakagalaw ng pindutin ko ang unlock button ng pintuan ng sasakyan at mabilis na nabuksan ang driver seat na pinto ng sasakyang dala nito. Siguro dala ng gulat at pagkabigla kaya napasigaw ito. Kasalanan n'ya, dahil sinagad n'ya ang pasensya ko. "I'll call my lawyer! Dam you!" gigil na bulyaw nito habang pilit na hinihila ang kamay sa mahigpit na pagkakahawak ko. "Go, do it. Call your lawyer," naka-ngisi na sabi ko sabay abot sa susi ng sasakyan nito. "Sa presinto ka na magpaliwanag. Sakay," sabay tulak ko dito sa loob ng mobile na dala ng tropa ko. Wala itong nagawa ng ipasok ko ito sa back seat ng mobile car na dala namin. Panay ang bulyaw at sigaw nito sa akin pero wala akong pakialam na naupo sa tabi nito. "Kapag hindi ka tumigil kakadada mo lalagayan kita ng posas at itatali kita dito sa likod," pananakot ko dito. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nito. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga natigilan na tauhan ko ng ipasok ko sa sasakyan na dala namin ang malditang babae habang lahat kami ay nakatanggap ng panlalait at mula dito. Napakamaldita ng isang ito, kaya dapat lang turuan ng leksyon ng matuto ng tamang asal at disiplina. Hindi porke at mayaman siya ay hahayaan ko na bilhin n'ya ang batas. Hindi pera ang batayan ng batas sa teritoryo ko. Malas n'ya at hindi ako mukhang pera na gaya ng ibang pulis na nakatagpo n'ya. Panay ang padyak habang tila nakalunok ng megaphone sa lakas ng pagtutungayaw nito sa akin maging sa kasama ko. Kulang na lang magka-pira-piraso ang katawan ko sa talim ng dila nito sa panlalait sa akin. "Hoy! matandang pangit na pulis sinusumpa ko, susunugin ko 'yang mabaho at marungis na sasakyan na gamit n'yo!" Pinandilatan pa ako nito bago itinuloy ang panlalait. Tumahimik lang ako at walang pakialam na nakaupo katabi nito sa likod ng sasakyan habang walang tigil na nguma-ngawa ito. "Ew, kadiri. Kasalanan mo kapag nangati ang balat ko dahil may surot ang bulok na sasakyan n'yo. Bagay nga kayo saka 'yang amusin pangit at madungis na pulis na kasama mo. Pareho kayong pangit," panlalait pa nito habang hila ko sa braso ng makarating kami ng presinto at papasok. Lintik na babae na ito. Makamatanda sa akin. Akala mo naman uugod-ugod na ako. Thirty two pa lang ako malayo sa discreption niya sa edad ko. Tanggap ko ng pangit ako sa paningin nito dahil galit ito sa akin. Kulang na lang magbuga ito ng apoy at sunugin ako sa galit. Matalim na nga ang dila nito matalim pa kung tumitig. "Sir, anong kaso ng isang ito?" tanong ng pulis na nag-imbestiga sa babaeng kaharap ko. "Driving without license. Coding din ang dalang sasakyan, nakainom at lasing na nagmamaneho. Bribe dahil sinusuhulan kami ng mga tauhan ko," paliwanag ko. "Hoy manong 'wag kang sinungaling!" duro nito sa akin saka tumayo na akmang sasampalin ako pero mabilis na nasalo ko ang kamay nito. "Wala kang ebedensya sa binibentang mo sa akin!" galit at palaban na bulyaw pa nito. Aba at sinusubukan talaga ng isang ito ang maikli na pasensya ko. Walang pakundangan na hinawakan ko ng mahigpit ang pulsuhan nito at hinatak sa bakanteng selda sa dulo saka mabilis na binitawan ng makapasok ito. Matinis ang boses na nag-sisigaw ito habang walang sawa na nilalait kami kasama ang buong paligid ng presinto na pinagdalhan ko dito. "Yuck it's so dirty here, ang baho pa. Ano ba palabasin mo ako rito manong na matanda at pangit na pulis!" sigaw ulit nito. Kulang na lang ay magtakip ako ng tenga sa ingay at sigaw ng babae sa kulungan. "Sir, nakuha ko na po ang identity n'ya. Samantha Alonte Ruiz. Talagang bigatin sir ang isang 'yan," komento ng pulis na kausap ko. Wala akong pakialam kung gaano pa siya kayaman. Kahit sabihin pa n'ya na pag-aari n'ya ang buong pilipinas ay hindi siya makakaligtas sa akin. Lumabag s'ya sa batas kaya dapat lang na pagbayaran n'ya 'yon. Kung sana naging mabait pa s'ya kanina habang nakikiusap ay baka pinagbigyan ko pa siya. Umiiling na tumalikod ako dahil walang tigil na nguma-ngawa ang babaeng dinala ko rito sa presinto. Siguro kung totoo ang sumpa ay maaga na akong namaalam dito sa mundo dahil sa talas ng dila nito. "Samantha Ruiz huh, sige, sigaw pa pero hindi mo mababago ang katotohanan na nasa loob ka ng malamig na rehas na panay ang pintas at lait mo," naiiling na bulong ko saka naglakad palabas para balikan ang team ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD