DALE Simula ng makita ko na pumasok ang sinasakyan kanina ni Sabrina sa bahay na minamanmanan ko ngayon ay hindi na ako umalis sa kung saan naka-park ang sasakyan ko. Hindi na ako bumalik sa opisina at tinawagan ko na lang ang tauhan ko na may emergency ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na meron ako ngayon para makausap si Samanta at makasama sila ng anak ko. Tinted ang salamin ng sasakyan ko kaya hindi ako nag-aalala na may makakakita sa akin. May kalakihan din kasi ang distansya mula sa kinaroroonan ko at ng bahay na minamanmanan ko para hindi sila maghinala na sila ang pakay ko. Nag-vibrate ang cellphone sa loob ng pantalon suot ko kaya na agaw nito ang pansin ko. Napailing na lamang ako ng makita ang pangalan ng mommy ko na naka-flash sa screen. Hindi nga pala ako nakat