DALE "Sir Dale nasaan ka? Ang tagal mo, nagrereklamo na itong inaanak mo," pangungulit ni Mario sa akin sa kabilang linya. "Malapit na Mario, ang kulit mo. Nahawa ka na sa asawa mo na maya't-maya kung tumawag," sagot ko. Daig pa ni Mario ang may cctv dala kahit saan kaya hindi makapalag sa ngayon ay asawa niyang si Maria. Hindi ko nga alam na magkakatuluyan pala ang dalawa lalo na at wala naman akong nakitang kahit anong sign na nagka-kagustuhan sila noon.. Habang nasa kulungan kasi ako ay pinakiusapan ko na bantayan ni Mario si Maria dahil nag-aalala ako sa kan'ya. Alam ko na labis na naapektuhan siya sa mga nangyari lalo na at nawalan siya ng trabaho maging ang lisensya niya bilang guro. Kami na lang ang magkaramay lalo na at lumaking walang pamilya ang kaibigan ko kaya naiintindi